^

Punto Mo

Sayyaf at Maute tapusin sa martial law

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

ISANG magandang pagkakataon sa gobyerno upang tuluyan nang tapusin ang problema sa mga teroristang grupo na namamayagpag sa Mindanao.

Ito ay sa gitna ng umiiral na martial law na idineklara ni President Duterte matapos ang paglusob ng Maute group sa Marawi City.

Tama lang na buong Mindanao na ang pag-iral ng martial law dahil mas magiging madali sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police ( PNP) ang pagdurog sa mga teroristang grupo na nagkukuta sa iba’t ibang probinsya sa Mindanao.

Bagamat sa Marawi City lang ang sentro ng panggugulo at paglusob ng Maute group na kaalyado ng ISIS, madali itong makakatakas at makakalipat ng lugar kung hindi iiral ang martial law.

Ilang nakalipas na administrasyon -- Ramos, Estrada, Arroyo at Aquino, hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang Abu Sayyaf sa pangingidnap at pagpatay at nadagdag pa ngayon ang Maute group.

Noon ay idineklara na ng nakalipas na mga administrasyon na napulbos at naubos na ang Sayyaf pero hindi pala ito totoo dahil tila hindi naman humina ang puwersa at sa katunayan ay nagpatuloy ang kidnap for ransom activities at nakapagpugot pa ng ulo sa mga dayuhang bihag na nabigong magbigay ng ransom money.

Dito masusubukan sa martial law ang tikas at galing ng militar at pulisya na mabilis na mauubos ang mga bandido at teroristang grupo sa buong Mindanao.

Napakalaking kahihiyan na ang ibinigay ng mga bandido sa imahe ng Pilipinas na dapat sana ay lalo pang sisigla ang turismo kapag natapos na ang problema sa Mindanao.

Kung makakamtan ang tunay na kapayapaan sa Mindanao dahil sa martial law at mismong si Duterte ay nagbigay ng katiyakan na walang magaganap na pag-abuso ay magsisilbi itong tulay upang umunlad ang Pilipinas kasabay ng paglaho ng masamang imahe sa pagpapatupad ng martial law na nangyari sa ilalim ng rehimeng Marcos.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with