^

Punto Mo

Martial law sa Mindanao, huwag katakutan

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MALAYUNG-MALAYO ang ipinatupad na martial law ni dating Pres. Ferdinand Marcos noong 1972 kumpara ngayon na idineklara ni Pres. Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Sa martial law ngayon sa Mindanao sa ilalim ng 1987 constitution ay maraming requirements upang maiwasan ang anumang pag-abuso.

Sa martial law ni Marcos ay binuwag ang Kongreso kaya hindi nito kailangang ipaapruba ang deklarasyon at walang itinakdang panahon ng batas militar.

Sa ngayon ay kumpleto ang mga institusyon na maaring magbantay sa pag-iral ng batas dahil mayroong Kongreso na maaaring magbasura sa martial law at higit sa lahat ay maaring rebyuhin ito ng Korte Suprema.

Batay din sa konstitusyon, 60 araw lang iiral ang martial law at maari pa itong mapalawig kung aaprubahan ng Kongreso.

Makakabuting magmasid muna ang publiko at huwag mangamba sa martial law dahil sa aking paniniwala, para ito sa interes ng taumbayan upang huwag lumala ang sitwasyon na ang tensiyon ay baka sentro sa Marawi City.

Nagpaliwanag na ang Presidente matapos makauwi ng bansa na kanyang tinitiyak na walang magaganap na pag-abuso at hindi niya ito kukunsintihin.

Sa mga ganitong sitwasyon ay kailangan ang kooperasyon ng lahat ng sektor upang maging matagumpay ang pagtugis ng otoridad sa Maute na kaalyado ng ISIS.

Malaya rin ang commission on human rights at maging ang media na magbantay sa anumang posibilidad ng pag­labag sa karapatang pantao kung kaya malayong malayo ito at hindi maaring ikumpara sa martial law ni Marcos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with