^

Punto Mo

‘Ang tanong: Bakit ayaw sa Rosaryo?’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

MARAMI ang hindi pumabor sa pagtatanggal ng rosaryo sa mga sasakyan. Hindi naman daw ito nakakasagabal sa kanilang pagmamaneho kahit pa sinasabi nilang gumagalaw-galaw ito.

May tumawag sa amin na isang senior citizen na nagsabing hindi niya maintindihan kung bakit pati ang rosaryo ay pinapatanggal gayung hindi naman ito nakaka-distract.

“Marami silang patakaran na ginagawa at nilalabas. Ako ay nagparehistro na pero wala pa din akong plaka at sticker. Magrerehistro na lang ako ulit pero wala pa ding plaka at sticker. Anong klaseng LTO ito? Gawin muna nila ang trabaho nila sa taong bayan,” salaysay ng tumawag.

Kung minsan daw ay tanging rosaryo lang ang kasama niya sa sasakyan. Kinukuha niya kung minsan pag ma-traffic at nagdadasal bago muling isabit.

Tama din ang opinyon ng ilan na hindi nangyayari sa EDSA kung saan napakasikip ng mga kalsada.

Sa mga highway kung saan mabibilis ang takbo ng mga sasakyan nangyayari ang malaking aksidente. Kung may problema man sa EDSA ay mga sagian, sabitan at road rage.

Sinasabi sa ating konstitusyon na ‘No person shall be deprived of life, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of laws’.

Ang mga camera sa dash board ay nakakatulong sa mga aksidente dahil makikita mo dito kung ano ang nangyari at kung sino ang salarin kung sakaling may banggaan o krimen na naganap.

Sa huli ay pinayagan nila ang dash cam pero ang mga rosaryo at ibang palamuti ay ipinagbawal nila.

May nagsabi pa nga na bakit kailangang ipagbawal ang rosaryo? Natatakot ba sila dito? Dapat ay mangumpisal na lamang sila para mabawasan ang kanilang kasalanan.

Ang isa naman sa nagtext sa amin ay nagsabing bakit kailangang ipagbawal ang rosaryo at ilang abubot e hindi naman sila nadi-distract. Kung paggalaw lang ang usapan bakit ang wiper hindi nila tanggalin na mas grabe ito kung gumalaw?

Nagpapakontrobersiyal ba itong LTO? Ganun ba Assec. Edgar Galvante?

Ang alam ko mga bampira, manananggal, lamang lupa ang takot sa rosaryo. Bakit kayo galit dito?

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with