^

Punto Mo

Diyamanteng nabili lang ng $13, aabot na sa $456,000 ang halaga ngayon

Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 26-carat diamond ring na nabili lang sa halagang $13 (katumbas ng P647) ang tinatayang aabot na sa $456,000 ang halaga (katumbas ng P22.7 milyon).

Noong 1980s pa nabili ang singsing mula sa isang naglalako ng kanyang mga personal na ari-arian sa isang pamilihan sa London.

Hindi naman akalain ng hindi na nagpapakilalang may-ari na tunay palang diyamante ang kanyang nabili. Ang nasa isip niya ay isa lamang itong pekeng alahas na pang-costume.

Hindi naman masisisi ang pinagbilhan ng diyamante sa pagbebenta sa singsing sa napakamurang halaga.

Hindi naman daw kasi talagang mukhang totoong diyamante ang bato sa kapal ng duming nakabalot dito, ayon kay Jessica Wyndham na pinuno ng Sotheby’s na magpapasubasta sa singsing.

Makaluma rin daw ang cut o putol sa diyamante kaya hindi ito kumikinang sa artipisyal na ilaw. Nakadisenyo raw kasi ang mga makalumang diyamante para kuminang sa ilaw ng kandila.

Ilang dekada rin isinuot ng may-ari ang singsing bago niya naisipang ipasuri ito sa isang alahero. Noon lang niya nalaman ang tunay na halaga nito na nagtataglay pala ng totoong diyamante.

Sa June 7 na isasagawa ang subastahan para sa diyamante, at inaasahang maglalaro sa $325,000 hanggang $456,000 ang makukuhang presyo nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with