^

Punto Mo

Parekoy (27)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

 “N-NAALALA k-ko na Parekoy. M-may nakilala akong babae sa bus terminal bago ako nagkasakit ng ganito. T-tandang-tanda ko!’’

Napamulagat si Lino sa sinabi ni Sarah. Di ba’t mayroon din siyang napansin nun na isang babae na nakatingin kay Sarah. Hindi niya nakita nang buo ang mukha ng babae dahil nahaharangan ng vendor.

“Sinong babae yun? Ang sinasabi mo ba ay nung nagkita tayo sa terminal?’’

“B-bago pa ang pagkikita nating iyon, Parekoy. Ilang beses ko nang nakita ang babae sa terminal. Madalas kasi ako sa terminal dahil nag-iinternet ako sa isang internet café dun.’’

“Paano mo nakilala ang babaing sinasabi mo?’’

“P-paglabas ko ng café, nagtanong siya sa akin kung saan makikita ang address na nakasulat sa papel na hawak niya. Sinabi ko kung saan makikita ang address. Malapit sa simbahan ang hinahanap niya.’’

“Pagkatapos, anong nangyari?”’

“E d-di u-umalis na siya. Nagpasalamat naman sa akin. Sumunod na araw, galing uli ako sa internet café nang makita na naman siya. Nagtanong uli kung saan daw makakabili ng pasalubong na mga kakanin. E di itinuro ko. Sinamahan ko siya.’’

“Bakit mo sinamahan pa e bago lang kayong magka­kilala.’’

“M-mukha namang mabait e. Sinamahan ko siya sa pagbili. Paluwas daw siya ng Maynila. Bumili siya nang maraming suman at bibingka. Binibigyan ako pero sabi ko huwag na dahil baka marami siyang bibigyan. Umalis na siya. Sumakay ng bus.’’

“Pagkatapos, anong nangyari?’’

“S-sa ikatlong pagkakataon, nagkita uli kami. N-niyaya na niya akong kumain sa isang restaurant na nasa loob din ng terminal. Palibhasa’y alas dose na, pumayag ako. Kasi’y mukhang mabait naman. Siya raw ang magbabayad. Umorder siya nang pagkain namin. Habang kumakain kami ay mailap ang kanyang mga mata. Basta parang mayroon siyang gustong gawin o sabihin….”

Hindi humihinga si Lino at naghihintay sa ikinukuwento ni Sarah.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with