^

Punto Mo

Kung anu-anong ‘Kaanuhan’ ng mga Maharlika

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Queen Juana ng Spain

Pumanaw si King Philip ng Spain noong 1506. Hindi matanggap ni Queen Juana ang pagpanaw ng asawa kaya nagpasya siyang ilagak sa kanyang tahanan ang bangkay nito na nasa kabaong. Hindi siya pumayag na ilibing ito. Nabaliw siya kaya ikinulong sa utos ng ama at anak. Saka lang nagkaroon ng pagkakataong mailibing si King Philip.

Princess Alexandria ng Bavaria (1826-1875)

Magaling siyang manunulat ngunit mayroon siyang psychological eccentricities: halimbawa, sobra siyang malinis kaya damit na kulay puti lang ang isinusuot niya. At noong beinte anyos siya, nagkaroon siya ng ‘delusion’ na noong bata pa siya ay nakalulon siya ng grand piano na gawa sa glass.

Catherine the Great ng Russia

Nagandahan siya sa primrose, isang bulaklak na nakatanim sa kanyang garden. Sa sobrang pagkahaling, kumuha siya ng guwardiya upang mabantayan ito sa loob ng beinte cuatro oras.

Queen Christina ng Sweden

Diring-diri si Queen Christina sa mga pulgas na gumagapang sa kanyang kuwarto. Nagpasadya siya ng maliit na kanyon para ipampatay sa mga pulgas. Wala siyang ginagawa araw-araw sa buong maghapon kundi kanyunin ang mga pulgas.

             

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with