Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

‘Sunog-baga!’

MAY kasabihan sa Ingles na ‘Where there’s smoke there’s fire’ sa tagalog naman kapag may usok may sigarilyo.

Tumaas na ang presyo ng sigarilyo sa bansa pero marami pa din ang tumatangkilik nito at hindi maiwan ang bisyong ito. Ang masama pa dito ay maging ang mga kabataan ay humihithit na ng sigarilyo.

Pinirmahan na ni Presidente Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 26 na  nag-uutos ng ‘nationwide smoking ban’.

Hindi na pwedeng manigarilyo ang mga tao sa mga pampublikong lugar at pampublikong sasakyan. Kinakailangan na nilang hanapin ang ‘smoking area’.

Nag-utos din ang Presidente na bumuo ng smoke-free task force upang maipatupad sa buong bansa ang nasabing EO.

Nakapaloob din sa nasabing EO na hindi pwedeng bentahan ang mga menor de edad ng sigarilyo. Walang lusot ang mga tindero at hindi pwedeng gawing dahilan na hindi nila alam ang totoong edad ng mga bumibili sa kanila.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bawal ding bumili ang mga menor de edad ng mga tobacco products. Hindi din pinapahintulutang makapagtinda ang mga negosyante malapit sa eskwelahan, pampublikong playground, youth hostels at recreational facilities for minors.

Isang daang metro ang kinakailangang pagitan ang mula sa mga lugar na ito at sa mga nagtitinda.

May mga nagsabi na dapat taasan ang edad na pwedeng manigarilyo. Mula 18 taong gulang ay gawing 21 gulang na.

Paraan nila ito para mapababa ang bilang ng mga batang naninigarilyo. Pinag-aaralan din ngayon ang pagtataas pa ng presyo ng mga sigarilyo para mapilitan ang karamihan na iwasan ang bisyong ito dahil masama ang naidudulot nito sa ating katawan.

Kung hindi man nila tuluyang maiwanan kahit mabawasan man lang ang piraso ng sigarilyong hinihithit nila araw-araw.

Maraming nagsasabi na nasa sistema na nila ang paninigarilyo at mahirap itong tanggalin. Kung talagang desidido ka at iniisip mo ang kapakanan ng mga taong nasa paligid mo at maging ang kalusugan mo ay matatanggal mo ito.

Maipapatupad na ang nasabing ban makalipas ang 60 araw mula nang maipalathala ito sa mga dyaryo. Kaya sa lahat ng naninigarilyo ingat ingat na at baka mahuli kayo.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: