Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

‘Sa Hyundai E. Rodriguez branch, basahin n’yo ‘to!’

ISANG sinibak na ahente ng Hyundai ang lumilibot ngayon sa Metro Manila upang mambiktima. Mag-ingat dahil isang grupo na ang nabiktima nito at bawat isa sa kanila ay nakuhanan ng halos P100,000.

Ang suspek, dating empleyado ng Hyundai E. Rodriguez. Pinagkukuhanan ng pera ang bawat biktima bilang down payment kuno ng kanilang napiling sasakyan.

Ang nakapang-iinit ng ulo dito, naganap ang mga transaksiyon sa mismong dealership office sa E. Rodriguez.

Dagdag pa ng mga biktima, mismong branch manager ng nasabing tanggapan ay nandoon at nakita ang transaksiyong ginawa ng kanilang dating empleyado? Anong kaga!@##han ito?!

Manager, isa kang malaking hijo de puto! Bakit mo hinayaang makipag-usap sa customers ang dati mong tao na sinibak na sa opisina n’yo?

Kakutsaba ka ba, pumursiyento o sadyang tanga lang talaga? Mamili ka, alin ka diyan? Ngayon ang kapal ng mukha mong pagtaguan ang mga biktima, ayaw mong kausapin at makipagtulungan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

O sa tanggapan ng Hyundai Philippines, alam n’yo ba ‘to? Umabot na ba sa inyo ang rekla-mong ito ng inyong mga customer? O kailangan pa ng hambalos bago kayo’y magsikilos din?

Maawa naman kayo sa mga biktimang nangarap magkaroon ng sariling sasakyan para sa pamil­ya at kabuhayan pagkatapos ay isang hinayupak na talpulanong dating ahente ang guguho sa mga pangarap na ‘yun.

Gusto kong ikiskis ang mukha sa lamesa itong manager ng E.Rodriguez dealership office na sinubukan naming tawagan subalit hindi sumagot sa kanyang telepono.

Kayo diyan sa  Hyundai E. Rodriguez, pag-hintayin n’yo pa ako, magugulat kayo sa bisitang gagawin ko.

Ayusin mo ang gusot na ginawa diyan sa mismong dealership mo. Tinawag ka pa namang manager kung hindi mo pa rin mababantayan nang maayos ang branch na ito.

Tandaan mo, we do not take “No” for an answer, kaya umayus-ayos ka.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: