^

PSN Palaro

PSL Tankers 14 ginto ang nilangoy sa Thailand Meet

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PSL Tankers 14 ginto ang nilangoy sa Thailand Meet
Anim na gintong medalya ang nilangoy ni Lee Grant Cabral sa Thanyapura Swimming Championship.

MANILA, Philippines - Magarbong tinapos ng Philippine Swimming League (PSL) ang kampanya nito matapos humakot ng apat na ginto at dalawang pilak sa huling araw ng kumpetisyon sa 2017 Thanyapura Swimming Championship na ginanap sa Thanyapura Swimming Pool sa Phuket, Thailand.

Umariba pa ng dalawang gintong medalya si Immaculate Heart of Mary College-Parañaque standout Micaela Jasmine Mojdeh nang manguna ito sa girls’ 9-10 200m Individual Medley sa bilis na 2:43.19 at 50m freestyle sa pamamagitan ng 31.34 oras.

Hindi rin nagpahuli si Diliman Preparatory School tanker Lee Grant Cabral nang pagharian nito ang boys’ 9-10 50m freetyle at 200m IM sa torneong nilahukan ng matitikas na tankers mula sa Europa at iba’t ibang panig ng Asya.

Winalis nina Mojdeh at Cabral ang lahat ng kanilang anim na events sa kani-kanilang dibisyon.

Una nang nakasikwat ng ginto si Mojdeh sa 50m butterfly, 200m breaststroke, 50m freestyle at 100m butterfly habang nangibabaw naman si Cabral sa 50m butterfly, 100m freestyle, 100m butterfly at 200m freestyle.

Nagdagdag ng dalawang pilak sina Lowestein Julian Lazaro sa boys’ 13-14 50m freestyle (28.33) at Sofia Beatriz Lopez sa girls’ 11-12 50m freestyle (32.97).

Sa kabuuan, humakot ang PSL ng 14 ginto, siyam pilak at apat na tansong medalya.

Nakasiguro rin ng ginto sina Lazaro sa 50m butterfly (28.67) at DPS standout Albert Sermonia sa boys’ 11-12 100m butterfly (1:15.71) habang may pilak si DPS Female Athlet of the Year Paula Carmela Cusing sa girls’ 13-14 100m butterfly (1:20.12), 50m butterfly (33.25) at 100m backstroke (1:21.64).

“We’re so proud of these kids for giving honor to our country. It was a successful turnout at Thanyapura Invitational Swim Meet and we’re looking forward to win more medals in the next international competitions that we’ll be joining,” pahayag ni PSL President Susan Papa.

Lalarga ang 112th PSL National Series sa Linggo sa Diliman Preparatory School sa Quezon City upang mu­ling buksan ang pintuan para sa mga nagnanais maging bahagi ng PSL team na sasabak sa mga international meets.

Pinaghahandaan ng PSL ang partisipasyon nito sa 2017 Indian Ocean All-Star Challenge na gaganapin sa Perth, Australia sa Abril 15 hanggang 16.

vuukle comment

PSL TANKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with