^

Pang Movies

Hashtag ng AlDub pasok sa Guinness

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Todo ang suporta ng Eat Bulaga sa phenomenal love team at Dabarkads nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza at sa GMA Network para sa first teleserye nilang Destined To Be Yours.

Nag-sponsor din sila ng on-the-spot painting contest ng mga napili nilang mga alagad ng sining kung saan ipininta nila ang mga pangyayari sa buhay nina Alden at Maine. 

Pumili sila sa mga story ng dalawa tulad ng una silang magkita noong July 16, 2015 sa Tamang Panahon show ng Eat Bulaga noong October 24, 2015 na ginanap sa Philippine Arena at ang wedding nila sa Kalyeserye noong October 22, 2016 na ginanap sa Christ The King Church, Quezon City.

May premyong P50 thousand ang nanalo.

Napiling winner ng mga judge headed si Ralph Pangilinan na tampok ang famous heart-shaped ng mga kamay nina Alden at Maine.

Ang tema ng painting ay Araw ng Pag-ibig on February 27, 2017, ang pagsisimula ng airing ng Destined To Be Yours pagkatapos ng Encantadia na may world premiere at 8:30 p.m.

Full-support din ang Magnolia Ice Cream na may bago silang ilalabas na three flavors na Destined To Be Yours daw nina Alden at Maine para sa mga fans. 

Mapapanood na ang new TVCommercial sa YouTube at tiyak na isa ito sa commercial loads ng drama serye.

Ini-announce rin ng Eat Bulaga na nakapasok sa Guinness World Records 2017 sa kategoryang Most Used Hashtag In A Day ang #ALDUBEBTamangPanahon kung saan 41million tweets ang nakuha from October 24 at 12:01 a.m. to October 24, 12:00 m.n.

Pagkatapos ng Eat Bulaga kahapon, umakyat na ng Baguio City sina Alden at Maine para naman ituloy ang promo nila ng Destined To Be Yours ngayong Sunday sa Panagbenga Flower Festival na magaganap sa Sunshine Park at 10:00 a.m. 

Kasama nilang umakyat sa Baguio ang co-stars nila sa soap na sina Juancho Trivino at Koreen Medina. 

Nasa studio naman ang buong cast na kinabibilangan nina Janice de Belen, Gardo Versoza, Lotlot de Leon, Sheena Halili, Ina Feleo, Boots Anson-Rodrigo, Tommy Abuel, Ronnie Henares, at Direk Irene Villamor.

Robinhood ni Dingdong may Book 2 daw

Last Friday ay natapos na ang action-drama series ni Dingdong Dantes na Alyas Robin Hood kung saan nakasama niya sina Megan Young, Andrea Torres, Jaclyn Jose, Sid Lucero, Cherie Gil, Rey Abellana, Dennis Padilla, sa direksyon ni Dominic Zapata.

Pero mukhang magkakaroon ito ng book two, dahil nagtapos ang final episode na may dumukot kay Jaclyn na gumaganap na ina ni Pepe (Dingdong). 

So, since namatay na sa story si Sarri (Megan), si Venus (Andrea) na ba ang magiging leading lady ni Pepe, na inamin naman niyang minahal din niya o may ibang papalit kay Megan na bagong love interest ni Dingdong?

Wait na lamang tayo dahil magiging busy muna si Dingdong sa pag-aalaga sa unica hija nila ni Marian Rivera, si Baby Zia.

Si Marian naman ang gagawa ng kanyang bagong teleserye sa GMA-7 next month at si Dingdong, sa kanyang docu-drama series, ang Case Solved na napapanood every Saturday, pagkatapos ng Eat Bulaga.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with