^

Probinsiya

3 negosyante ng droga, itinumba

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines -  Tatlong kalalakihan na sinasabing sangkot sa bentahan ng shabu ang natagpuang nakabulagta sa naganap na magkakahiwalay na karahasan sa mga bayan sa Santa Maria, Plaridel at San Jose Del Monte City sa Bulacan kahapon.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang mga biktimang sina Rode­rick Sagaral, 34, ng Garden Village sa Brgy. Pulong Buhangin, Santa Maria; Eduardo Torres, 46, ng Barangay Parulan, Plaridel; at si Apollo Chavez, 46, ng Barangay Bagong Buhay I, San Jose Del Monte City.

Base sa ulat na nakara­ting sa Camp Alejo Santos unang nagtapuang patay si Sagaral na binalutan ng duck tape ang mukha, mga kamay, at paa saka binigti ng alambre sa Sitio Pulong Bocaue, Brgy. Silangan sa Santa Maria.

Samantalang si Torres na nasa waiting shed sa Brgy.Bañga 1st, Plaridel ay pinagbabaril naman ng riding-in-tandem assassins bandang alas-2:30 ng hapon.

Maging si Chavez na kumakain lamang sa gilid ng kalsada ang niratrat ng motorcycle-riding gunmen bandang alas-9 ng gabi.

Narekober sa tatlong crime scene ang 10-basyo ng cal .45 pistol.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with