^

Bansa

Sa Martial Law ni Duterte, NPC ‘di naalarma

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi naaalarma ang National Press Club sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit nito ng kapangyarihan upang magdeklara ng Martial Law sa sandaling lumala ang kinakaharap na problema ng bansa sa illegal drugs. “Sa mahinahong pagtatasa ng sitwasyon ay masasabing, malayo sa pundasyon ng batas militar, tiniyak pa ni Pangulong Duterte ang pangingibabaw ng batas at pagpapalakas ng demokrasya sa Pilipinas noong maagang bahagi ng kanyang panunungkulan,” wika ni  NPC president Paul M. Gutierrez. Tinukoy pa ni Gutierrez ang dalawang mahalagang aksyon ni Pangulong Duterte sa unang bahagi pa lamang ng kanyang termino ng lagdaan nito ang Executive Order no. 2 noong July 2016 at Administrative Order no. 1 noong October 2016 na may kinalaman sa freedom of information. Kaya patunay ito, wika pa ng NPC president, na kinikilala ni Pangulong Duterte ang kalayaan at kapakanan ng mamamahayag na hindi nagawa ng nakaraang administrasyon. 

vuukle comment

NATIONAL PRESS CLUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with