^

Punto Mo

Ano ang senior citizen sa Filipino?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

TILA kabilang na ang senior citizen sa mga salitang Ingles na walang direktang salin o katumbas sa wikang Filipino. Nakagawian na nga ang paggamit ng wikang Ingles na iyan sa mga transaksyong may kinalaman sa mga taong tinatawag na senior citizen lalo na hinggil sa mga ibinibigay sa kanilang diskuwento sa mga botika, restawran, sinehan, LRT-MRT at iba pang serbisyo.  Siguro dahil na rin sa wala siyang malinaw na katumbas sa katutubong wika ng Pilipinas kaya tinatanggap na lang ng lipunan natin ang salitang senior citizen.

Itinuturing na senior citizen yung mga matatandang mamamayang may edad nang mahigit 60-anyos partikular yaong mga nagretiro na sa pagtatrabaho at tumatanggap ng pension o kahit iyong mga walang tinatanggap na pension pero wala nang kakayahang magtrabaho.

Sa website ng Google translate at ng IM translator, matatandang mamamayan ang salin nila ng senior citizen sa Filipino. Pero maituturing na ring matatandang mamamayan ang mga Pilipinong nasa edad na 40 at 50 anyos. Meron pa ngang mga nasa ganitong edad na lolo at lola na dahil sa pagkakaroon ng apo sa ganito nilang edad. Kaya, kung sa sarili nating wika pag-uusapan, pare-parehong matanda ang nasa edad na 40-50 anyos at yung mga nasa 60 anyos pataas. May katwiran nga siguro iyong isang panukala sa Kongreso na ibaba pa sa 50 anyos ang simula nang klasipikasyon sa senior citizen. Dahil matatanda na nga rin namang ituring ang mga nasa ganitong edad.

Kung gagawin namang literal ang pagsasalin ng senior citizen sa wikang Filipino, lubha namang mahaba. Puwede kasing sabihing sila iyong matandang-matanda na o lubha nang matatanda. Pero, dahil na rin marahil sa tila lubhang pagmamadali ng makabagong kabihasnan sa lahat ng bagay pati na sa paggamit ng salita, nagkakasya na lang sila sa terminong ingles. Pero, sa ilang mga pampublikong sasakyan, restawran at maging banko, ginagamit na lang nila ang “Matanda” katabi ng Ingles na “senior citizen” sa kanilang mga patalastas o paskel hinggil sa mga mamamayang nasa edad na mula 60 anyos. Kakain nga naman nang malaking espasyo kung gagawin itong “matandang-matanda” o “lubhang matatanda.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with