^

PSN Showbiz

Mahigit 800 magwawagi sa pinaka-engrandeng Kapuso Milyonaryo

SUPALPAL - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sa pagbabalik ng Kapuso Milyonaryo, mas marami at mas malalaking papremyo ang nag-aabang sa mahigit 800 winners na bubunutin sa pinaka-bonggang season ng longest running proof-of-purchase promo sa bansa mula sa GMA Network.

Maging sa weekly draws ay maaari nang magwagi ngayon ng grand prizes tulad ng P250,000, P500,000, brand new car, at P1 million, tax-free. Lahat ng hindi mabubunot sa weekly draws ay automatic na pasok sa grand draw, kung saan isang house and lot winner at 8 winners ng tig-P1 million ang tatanghalin.

Mas marami rin ang mga papremyong ipamimigay mula October 22 hanggang December 16, 2016 dahil magkakaroon ng sampung winners ng P7,000, 21 winners ng P1,000, at 72 winners ng appliances at mga premium items linggu-linggo.

Para sumali, ilagay lamang sa isang puting envelope ang proof-of-purchase mula sa alinman sa mga participating brands kasama ang papel na may kompletong contact details. Maaaring ihulog ang mga entries sa designated drop boxes sa mga GMA stations at piling Mercury Drugstores nationwide. Maaaring ihulog ang mga entries hanggang December 16, 2016.

Maaari ring magwagi ng karagdagang papremyo tulad ng P300,000 sa grand draw, at cash prizes at cell phone load linggo-linggo sa Kapuso Milyonaryo mobile app proof-of-purchase promo. I-download lamang ang Kapuso Milyonaryo app simula November 14. Bukas ang mobile app promo hanggang January 8, 2017.

Para sa karagdagang detalye, i-like lamang ang Kapuso Milyonaryo Facebook page sa www.facebook.com/GMAKapusoMilyonaryo, o bisitahin ang website nito sa www.gmanetwork.com/KapusoMilyonaryo.

vuukle comment

KAPUSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with