^

PSN Showbiz

Sarah malamang gayahin si Kaye ‘pag ikinasal kay Matteo

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Sarah malamang gayahin si Kaye �pag ikinasal kay Matteo
Sarah Geronimo

Ang kilalang fashion designer na si Francis Libiran ang gumagawa ng wedding gown ng Kapamilya actress na si Kaye Abad para sa kanyang December wedding sa ex-Pinoy Big Brother (PPB) housemate na si Paul Jake Castillo.

Kung si Kaye lang sana ang masusunod, mas gusto niya na simple lamang ang wedding gown design niya pero hindi umano pumayag si Francis Libiran dahil minsanan lamang itong mangyari sa buhay ng aktres kaya ipinaubaya na niya ito.              

Sa Cebu gaganapin ang grand wedding nina Kaye at Paul dahil ito ang hometown ng huli.

About 600 guests ang imbitado sa kanilang kasalan. Karamihan sa friends ni Kaye from Manila ay lilipad patungong Cebu.

Bukod kay Kaye, nauna nang nanirahan sa Cebu ang singer-actress na si Donna Cruz nang mapangasawa nito si Dr. Yong Larrazabal.

Malamang na mangyari rin ito balang araw sa Pop Princess na si Sarah Geronimo kapag nagkatuluyan sila ng nobyo niyang si Matteo Guidicelli na isa ring Cebuano.

Mga sasali sa MMFF aligaga na

Malapit nang ihayag ng Metro Manila Film Festival (MMFF) officials ang mga pelikulang papasok sa Magic 8 ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kung hindi kami nagkakamali, sa November 10 na umano nakatakdang i-announce ang mga pelikulang mapapasama sa filmfest.

Umaasa ang Star Cinema at Viva Films na makakapasok ang Pak! Ganern! Go! nina Vice Ganda at Coco Martin na pinamahalaan ni Joyce Bernal.

Hindi rin siyempre nawawalan ng pag-asa ang kampo ni Vic Sotto sa kanyang Enteng Kabisote 10 & the Abangers na magkatulong na pinamahalaan nina Tony Y. Reyes and Marlon Rivera at magkakatulong na produksiyon ng OctoArts Films, M-Zet Productions, at APT Entertainment. 

Nariyan din ang isa pang comedy film, ang Mang Kepweng Returns na pinagbibidahan ni Vhong Navarro mula sa direksyon ni GB Sampedro under Cineko Productions.

May dalawa o tatlong entry ang Regal Films at isa na rito ang Mano Po 7: Chinoy.

Nariyan pa ang ibang independent producers na may kani-kanyang entry para sa December filmfest.

Xian hindi makapagselos kay Gerald?!

Walang issue kay Xian Lim sa balik-tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson dahil siya (Xian) rin naman ay ipinapareha sa iba.

Aware si Xian sa muling pagsasama ng dating magkasintahang Kim at Gerald at alam din niyang masaya ang fans ng tambalan ng dalawa.

Pareho uma­nong professional sina Kim at Gerald sa kanilang trabaho kaya hindi siya nababahala na baka muling magkabalikan ang dalawa.

Napapabalitang nagkabalikan na sina Gerald at Bea Alonzo at sina Kim at Xian naman ang napapabalitang magnobyo ngayon.

Samantala, kung balik-tambalan sina Kim at Gerald, si Xian naman ay ipapareha kay Coleen Garcia sa isang movie ng Star Cinema. Huling nakatambal ni Xian sa movie si Angel Locsin sa pelikulang Everything About Her na pinagsamahan nila nina Vilma Santos na idinirek ni Joyce Bernal also under Star Cinema.

vuukle comment

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with