^

PSN Opinyon

174

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

WAR on drugs, war on crime, war on corruption. Sabay sa pagsabog ng mga giyera ng pamahalaan ang pagsabog din ng statistika ng mga kasangkot. Hindi na malaman kung ano ang tunay na pigura, lalo na sa bilang ng mga namatay na sa kampanya: mula sa orihinal na estimate na 3,600 ay ibinaba ito sa 2,300.

Subalit ang pinaka-nakakabahalang statistika ay ang 174. Sa pinakahuling ulat ng Philippine National Police (PNP), ito ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa paggamit ng shabu mula nang inumpisahan ang testing noong January 1, 2016.

Halos 160,000 na ng buong 170,000 na lakas ng PNP ang hiningan ng sample ng ihi at isinailalim sa mandatory drug testing sa pag-utos ni PNP Director Gene­ral Ronald “Bato” de la Rosa. Mula sa bilang na ito, napag-alamang 167 na uniformed personnel at limang non-uniformed ang nahuli.

Mixed reaction ang nakuha ng ganitong pagtatapat. May mga natauhan at mayroon ding hindi nagulat na ang ranggo ng mga pulis ay nasalisihan ng mga gumagamit. Anuman ang paliwanag ng mga bumagsak sa drug test, hindi ito katanggap-tanggap upang mabigyan sila ng pangalawang pagkakataon. Ito na ang pinakagrabeng halimbawa na maari nilang ipakita sa lipunan – na ang mismong may katungkulang manghuli sa mga lumalabag sa batas ang silang nagbabale wala rito. Paano pa aasahang sumunod ang karaniwang mamamayan sa itinatakda ng batas? Walang ibang choice ang PNP kundi sibakin ang mga salarin sa trabaho.

Ang kampanyang ito ng administrasyon ay isang positibong hakbang sa pagsupil ng droga. Sa mukha ng walang patid na pag-salvage sa mga tulak at adik, ang ganitong lehitimo, malinis, transparent at maayos na paraan ay nagbubunga ng magandang resulta na walang bahid ng kasamaan. Senyas din ito na ang pamahalaan ay seryoso sa kampanya  – na wala itong sasantuhin at hindi pagtatakpan sinuman sa pagsiguro na ang lipunan ay ligtas sa salot na droga.

vuukle comment

ATTY. ERNEST MACEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with