^

PSN Showbiz

Jessy at Luis ibinuyangyang ang sweetness

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Jessy at Luis ibinuyangyang ang sweetness
Jessy Mendiola at Luis Manzano

Tulad ng inaasahan, naging makulay at marangya ang ika-sampung taon ng taunang Star Magic Ball, na ginanap sa ballroom ng Shangri-La Hotel – Makati nu’ng nakaraang Sabado (October 22) ng gabi at dinaluhan ng mga kilalang stars, talents and executives ng Kapamilya Network.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakitang magkasama sa Star Magic Ball ang magkasintahang Sam Milby at ang Fil-British model na si Mari Jasmine. Si Mari Jasmine ang kauna-unahang girlfriend ni Sam after his break-up with Anne Curtis several years ago. Anne, as well all know, ay going steady naman sa nakababatang kapatid ni Solenn Heussaff na si Erwan Heussaff.

Ilang araw pa lamang matapos mapabalita ang break-up nina Elmo Magalona at Janine Gu­tierrez na ang itinuturong dahilan umano ay ang Born For You partner niyang si Janella Salvador, sina Elmo at Janella ang magka-date sa nasabing red carpet event.

For the first time rin sa Star Ma­gic Ball ay magkasama sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ganoon din sina Elisse Joson at McCoy de Leon pati sina Bea Alon­zo at Gerald Anderson na napapabalitang nagkabalikan after their brief relationship noong 2010.

Ang dating president/CEO na si Charo Santos-Concio naman ang partner ni John Lloyd Cruz na hiwalay na rin sa kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban. Si John Lloyd ay co-star ni Charo sa critically-acclaimed movie na Ang Babaeng Humayo na idinirek ni Lav Diaz.

Expected na siyempre na sina Liza Soberano at Enrique Gil ang magka-date ganun din sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu at Xian Lim, Erich Gonzales at Da­niel Matsunaga, ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones,ang rumored sweethearts na sina Diego Loyzaga at Sofia Andres.

Dumating din si Jovit Baldovino bitbit ang kanyang girlfriend at ina ng kanyang three-month old daughter na si Akeya na si Shara Chavez maging si Iñigo Pascual with Filipino-British talent na si Kelley Day ng It’s Showtime’s Girltrends.

Ang Star Magic Ball ay hindi lamang gabi ng Star Magic at ABS-CBN stars and talents kundi gabi rin ito ng mga kilalang fashion designers tulad nina Michael Cinco, Paul Cabral, Francis Libiran, Val Taguba, Jo Rubio, Edwin Tan, Michael Leyva, Marc Bumgarner, Pepsi Herrera at iba pa.

In full force ang halos lahat ng mga stars and talents ng ABS-CBN na pinangunahan ni Piolo Pascual.

Marco at Vivoree ng PBB puwede nang ituloy ang ligawan

Magkasunod na Sabado na-evict sa PBB: Lucky Season 7 ang Filipino-Italian na si Marco Gallo at Vivoree Esclito. Ang dalawa ay na-link romantically habang sila’y nasa loob ng Bahay ni Kuya. Si Vivoree ang nakakuha ng may pinakamababa na boto sa tatlong nominees for eviction last Saturday evening.

Ngayong pareho nang nasa labas ng PBB house sina Marco at Vivoree, ipagpatuloy pa rin kaya ng dalawa ang kanilang nasimulang closeness sa loob ng Bahay ni Kuya?

This early ay hinihulaang either isa kina Maymay Entrata at Kisses Delavin ang tatanghaling teen big winner ng PBB: Lucky Season 7

Nakikini-kinita naman ng marami na parang junior ni Melai Cantiveros si Maymay dahil sa pagiging natural comedienne nito.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with