^

Punto Mo

Probinsiya sa Canada, 50 taon nang walang daga

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MALAKING problema ang mga daga dahil peste ang mga ito sa mga pananim at nagkakalat naman ng sakit sa mga siyudad.

Mahirap din silang mapuksa dahil marami ang mga daga kung manganak kaya napakabilis nila kung dumami.

Kaya naman nakakabilib na ang isang probinsya sa Canada ay nagawang mapigilan ang pagpasok ng mga daga sa kanilang lugar.

Resulta ito ng kanilang napaka-epektibong programa kaya naman 50 taon nang walang naninirahang daga sa Alberta, Canada.

May mga nakakatawid na mga daga mula sa ibang mga probinsya ngunit dahil sa mga patakarang mahigpit na ipinatutupad sa Alberta ay hindi nagagawa ng mga ito na magparami bago sila mahuli at mapatay.

Kasama sa mga patakarang ito ang pagkuha ng mga tinatawag na “provincial rat patrol” na binubuo ng walong espesyalista na maniniguradong walang makakapasok at makakapamahay na mga daga sa Alberta.

Sila ang unang tinatawagan upang puksain ang mga nadidiskubreng daga na namamahay sa isang lugar.

Ipinagbabawal din ang pag-aalaga ng kahit anong daga kahit pa ito ay mga dagang costa na para sa mga laboratoryo.

Kasama rin ang mga mamamayan ng Alberta sa pagsugpo sa mga peste dahil agad nilang inirereport sa mga kinauukulan kung may nadidiskubre silang mga pinamamahayan ng daga.

Kaya hindi na dapat magtaka na noong 2002 ay wala ni isang daga na natagpuan sa Alberta.

Salamat sa programa ng probinsiya ay wala pa ring mga dagang tubong-Alberta magpasahanggang ngayon at mangilan-ngilan lang din ang natatagpuang daga doon na nanggaling mula sa ibang lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with