^

Punto Mo

Carabao Man (148)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DINIG na dinig ni Maricel ang usapan ng dalawang bagong dating na lalaki. May masamang binabalak ang mga ito sa kanya. At sa himig ng pananalita ng mga ito, hindi nila kasama ang lalaking naka-cowboy hat. Asungot daw ang lalaki.

Kahit na kinakabahan, hindi nagpahalata si Maricel. Pinilit niyang maging mahinahon. Naalala niya ang isang payo kapag nasa gitna ng panganib: maging mahinahon o huwag magpanic.

Patuloy ang pag-uusap ng dalawang lalaki. Sa tingin ni Maricel, mga addict ang dalawa.

“Kapag sinabi kong attack, sunggaban mo si Sexy,” sabi ng semi-kalbo.

“Areglado, partner,’ sagot nang may mahabang buhok.

“Tamang-tama na walang makakakita sa atin dahil ma­lakas ang ulan.’’

“Kailangang isagawa na natin at baka biglang tumigil.’’

“Basta maghintay ka ng order ko. Hindi tayo dapat magpadalus-dalos.’’

“Pero baka biglang tumigil ang ulan, partner.’’

“Hindi titigil yan!’’

“Sige ikaw ang bahala!’’

“Titiyempo tayo!’’

Tumigil sa pag-uusap ang dalawa. Nagpakiramdaman.

Hindi na mapakali si Maricel. Anumang sandali, maaaring isagawa ng dalawang addict ang plano. Kailangang ma­ging handa siya. Kailangang hindi siya maunahan ng takot. Pero ano ang gagawin niya? Tatakbo ba siya at sasagasain ang malakas na ulan at baha? O sisigaw siya?

Maya-maya pa, naramdaman ni Maricel na magsasalita na ang lalaking semi-kalbo para siya salakayin.

Pero bago nakapagsalita ang semi-kalbo, biglang tumakbo sa lalaking naka-cowboy hat si Maricel.

“Tulungan mo ako Mama! Tulungan mo ako!’’

Relaks lang ang lalaki.

Dahan-dahang pumihit para harapin ang dalawang addict.

Nagtago si Maricel sa likod ng lalaki. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ng cowboy hat.

“Uy papalag si Cowboy!’’ sabi ng semi-kalbo

“Tirahin mo na!” sabi nang may mahabang buhok.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with