^

Punto Mo

Lalaki sa India, tinuklaw ng sawa habang nagse-selfie

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa India ang napahamak dahil sa pagse-selfie matapos siyang tuklawin ng sawa na tinangka niyang kunan ng litrato kasama ang kanyang sarili.

Nangyari ang insidente nang magpunta ang ilang forest department officials sa isang eskuwelahan sa Rajasthan state upang hulihin ang isang sawa na nakitang pagala-gala sa lugar.

Nagawa nilang mahuli ang sawa kaya minabuti nilang kumuha ng litrato habang hawak nila ito.

Noon na tinuklaw ng sawa si Ashok Bishnoi, isa sa mga nag-uusyoso sa pangyayari na sinubukang mag-selfie kasama ang sawa.

Nakawala ang ulo ng sawa mula sa pagkakahawak ng mga humuli dito kaya nagawa nitong maabot at matuklaw ang kanyang leeg.

Aminado naman si Bishnoi na sanhi ng kanyang kapabayaan ang nangyari. Hindi raw niya kasi napansing malapit na siya sa sawa dahil sa kanyang ginagawang pagse-selfie kaya nagawa siyang kagatin nito.

Mabuti na lamang at isang sawa ang nakatuklaw sa kanya kaya wala itong kamandag. Nagtamo lang si Bishnoi ng maliliit na sugat sa ibabang bahagi ng kanyang leeg.

Matapos ang insidente ay ibinalik naman sa kagubatan ang sawa kung saan ito pinakawalan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with