^

Punto Mo

Itigil muna ang congressional inquiry

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

AKTIBO ngayon ang mga senador at kongresista sa pagsasagawa ng mga inquiry in aid of legislation.

Sa mababang kapulungan ay ang imbestigasyon sa umano’y illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) at sa Senado ay ang usapin sa umano’y extrajudicial killings na may kinalaman sa kampanya sa ilegal na droga.

Sa mga isyung ito nakatutok ang mga mambabatas at tila mabagal naman ang usad sa iba pang mahahalagang panukalang batas.

Matagal nang nakatengga ang panukalang pagpapanumbalik sa parusang bitay na mahalagang agad na maaksiyunan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ang pagpapanumbalik sa death penalty ay isa sa makakatulong sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs sa bansa.

Kung mayroong umiiral na batas sa parusang kamatayan ay maaaring mabawasan ang bilang ng pagkamatay sa sinasabing sangkot sa iligal na droga sa mga lehitimong police operations.

Mas mainam na lang na dumaan sa paglilitis at paghatol ng korte sa sinumang drug suspect at igawad dito ang parusang kamatayan kung nakagawa ng pinakamabigat na krimen.

Bukod sa death penalty bill at nakabinbin pa rin ang panukalang emergency power para kay President Duterte na naglalayong lutasin ang problema sa trapiko sa Metro Manila at iba pang siyudad sa bansa.

Marami na ang naghihinntay sa pangakong malutas ang problema sa trapiko sa Metro Manila na matagal ng tinitiis ng publiko.

Pero habang hinihintay ang emergency powers ay inaasahan na lang ng publiko na matutupad din ang pangako ni DOTr secretary Art Tugade na magkakaroon daw ng kahit kaonting pagbabago sa problema sa trapiko pagsapit ng 100 days ng Duterte administration.

Samantala, umaasa ang lahat na tatapusin na o ipagpapaliban na ng mga kongresista at senador ang mga kaliwa’t kanang imbestigasyon na bagamat kasama ito sa kanilang trabaho ay mas makakabuting unahin ang mas importanteng panukalang batas na kailangang maisabatas sa lalong madaling panahon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with