^

Punto Mo

Carabao Man (147)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKATALIKOD ang lalaki kay Maricel. Palihim niyang sinulyapan. Nakadiyaket na itim at naka-cowboy hat. May dalang payong na itim. Halatang nabasa kahit may payong. Walang kakilus-kilos ang lalaki na parang nag-iisip.

Kinabahan si Maricel. Sunud-sunod ang pagdarasal niya. Diyos ko, iligtas mo po ako sa lalaking ito!

Malakas pa rin ang ulan. Hanggang binti na siguro ang baha sa kalsada. Nakikita ni Maricel ang umaalon na tubig at humahampas sa gutter sa ibaba ng waiting shed. Sana tumigil na ang ulan!

Balak ni Salome, kapag medyo tumigil ang ulan, lulusungin na niya ang baha at bahala na. Maghahanap siya ng lugar may mga tao. Kailangang makaalis siya rito sa waiting shed upang hindi mapagsamantalahan ng lalaki. Malakas ang kutob niya, may binabalak ang lalaking kasama niya sa waiting shed.

Pero sa halip na tumigil ang ulan, lalo pang lumakas. Diyos ko tulungan mo ako! Please tulungan mo po ako!

Maya-maya pa, dalawang lalaking basang-basa ang dumating. Mahaba ang buhok ng isa at nakatirintas pa. Ang isa naman ay semi-kalbo at may bigote. Nakita ni Maricel na may tattoo sa braso ang may mahabang buhok.

Nagbulungan ang dalawa. Narinig ni Maricel ang pinagbubulungan.

“Mukhang sinusuwerte tayo partner,’’ sabi ng semi kalbo. “Maganda at seksi. Masabaw na masabaw.’’

“Oo nga partner. Mukhang wala pang karanasan, he-he-he!’’

“Pero may kalaban tayo. May asungot.’’

“Akong bahala diyan.’’

“Anong gagawin natin?’’

“Ako ang bahala kay Asungot, ikaw kay Seksi. Pero tirhan mo ako ha?’’

“Oo naman. Hindi ko naman kayang ubusin ‘yan, he-he-he’’

“Pagsinabi kong attack, sunggaban mo si Seksi ha?’’

“Okey.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with