^

Punto Mo

Pinakamalaking repolyo sa mundo, 23 kilo ang bigat

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PANALO ang vegetable grower na si David Thomas sa National Giant Vegetable Championship na idinaos sa England kamakailan lang matapos niyang ipresenta ang kanyang dambuhalang repolyo na umabot sa 23 kilo ang bigat.

Bukod sa pagiging champion sa nasabing kompetisyon ay nakapagtala rin ng bagong world record ang kanyang higanteng red cabbage.

Malaking bagay ang pagtatala niya ng bagong world record dahil taong 1925 pa ito hawak ng 19.05 kilo na repolyo ni R. Straw.

Hindi madali ang pagpapatubo ng mga dambuhalang gulay ayon kay Thomas.

Kailangan daw ng tamang uri ng binhi, malawak at matabang lupa, at suwerte para makapagpatubo ng mga gulay na kasinlaki ng kanyang repolyo.

Masayang-masaya naman si Thomas na namunga ang kanyang mga paghihirap dahil bukod sa pagkapanalo ng kanyang tanim ay nakapagtala pa ito ng bagong world record.

Hindi lang ang repolyo ni Thomas ang pumukaw sa atensyon ng lahat dahil may iba ding mga gulay na nakapagtala ng sarili nilang mga world record.

Isa sa mga ito ang nanalong higanteng carrot na umabot sa higit 6 na metro ang haba.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with