^

Punto Mo

Celebrities na sangkot sa droga

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PANAHON na upang sampolan din ng Philippine National Police (PNP) ang mga artista na sangkot sa droga. Ito ay kaugnay ng ulat na tinatayang nasa 50 celebrities ang umano’y kasama sa narco-list na gumagamit at ang ilan ay nagtutulak ng ilegal na droga.

Mahalagang malinis sa pagkakasangkot sa ilegal na droga ang mga artista dahil may mahalagang papel ito sa lipunan sa bansa.

Ang mga artista at kahalintulad nila ay iniidolo ng publiko at dapat ay magsilbing modelo.

Hindi lamang ang mga nakatira sa squatters area ang nililinis ng PNP sa iligal na droga kundi ganundin ang mga kilalang personalidad sa bansa.

Nangako naman si PNP chief Director General Ronald dela Rosa na isasama na ang mga celebrities sa “Oplan Tokhang”. Kakatukin at kakausapin ang mga artistang kasama sa narcolist at papayuhan na sumuko at magbagumbuhay.

Isang magandang pagkakataon na rin itong pahayag ng PNP dahil panahon na upang rebisahin ng mga network at producer ang kondisyon ng trabaho ng kanilang mga talent at iba pang manggagawa sa industriya.

Sa ngayon, grabe ang puyatan sa pag-shoot ng pelikula dahil sa tinotodo na ng mga producer ang kanilang pagkuha sa eksena sa isang lugar na umaabot ng ilang araw kaya naman ang ilan dito ay natutuksong gumamit ng iligal na droga upang mapanatili ang kanilang sigla sa pag-arte.

Dapat ay ipatupad din ang tamang working hours na aabot lang sa walong oras ang trabaho ng mga artista at iba pang manggagawa dito upang makaiwas din ang mga ito sa paggamit ng ilegal na droga.

Inaasahan na magiging matagumpay ang kampanya laban sa iligal na droga mahirap man o mayaman ang mga suspect.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with