^

Punto Mo

‘Street crimes’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

‘BER’ months, mas marami ang mga nasa labas ngayon.

 Pinapaalalahanan ang publiko, mag-ingat sa iba’t ibang uri ng modus sa lansangan. Ginagawang palaruan partikular sa Metro Manila.

 Habang abala ang gobyerno sa kampanyang giyera kontra droga, ang mga kriminal parang mga dagang nagsasaya habang nakalingat ang pusa. Oportunidad lang ang kanilang hinihintay.

 Target ng mga kolokoy mga pobreng indi­bidwal. Linlangin at lilimasin lahat ng alam nilang mapapakinabangan.

 Kaya sa mga nagagawi sa mga pampublikong lugar kung saan dagsaan ang mga tao, doble ingat­. Baka namo-modus na kayo nang hindi ninyo nama­malayan. Ang tanging kasalanan n’yo lang, salat kayo sa kaalaman.

 Walang pinipiling pagkakataon bago umatake ang magkakabagang na mga utak kriminal. Nandiyan ang gasgas nang budol-budol, laglag-barya, dura, bubble gum gang at iba pang street crime modus.

 Lahat nang ito, isinasagawa sa mga matataong lugar tulad sa mga masisikip na terminal, pampublikong sasakyan, mga bus, jeep at FX. Oras na ma­li­ngat ang isang pobre roon na sila aatake. 

Bukod pa ito sa mga maliliit na krimen o petty crime sa terminolohiya ng mga alagad ng batas.

 Ilan dito ang pananalisi, pagnanakaw, pang-i-snatch. Kaya sa mga laging nasa labas o mahihilig pumunta sa mga matataong lugar laging maging ‘lerto at ‘listo sa lahat nang pagkakataon.

 Mas mabuti nang maging praning kaysa­ umuwing luhaan. Ipakalat ang babalang ito sa inyong mga kaanak, kapamilya, kaibigan at kakilala.

 Mag-ingat, mag-ingat.

• • • • • •

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with