^

Punto Mo

Bangkay ng santang namatay 300 taon na ang nakararaan, biglang nagmulat ang mga mata

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUMALAT ang isang video sa Youtube kamakailan na nagpapakita ng pagmulat ng isang santang namatay 300 taon na ang nakakaraan.

Ang video ay kuha ng isa sa mga turistang bumibisita sa Cathedral ng Guadalajara na nasa Jalisco City, Mexico.

Sa nasabing cathedral matatagpuan ang bangkay ni Santa Inocencia na nakapreserba sa wax at nasa loob ng isang salamin na kabaong.

Makikita sa video na bigla na lang nagmulat ang mga mata ng Santa na tumingin pa ng diretso sa camera.

Ipinost ang video sa Youtube kung saan halos isang mil­yon na ang views nito.

Marami naman ang hindi naniniwala na totoong nagmulat ang mga mata ng Santa. Kaduda-duda raw kasi ang kalidad ng camera na ginamit at ang posisyon ng pagkuha kaya malamang na peke raw ang pangyayari.

Ayon sa mga matatandang kuwento  sa lugar, isang bata raw si Sta. Inocencia na pinagbawalan ng kanyang ama na maging Katoliko. Sinuway siya ni Sta. Inocencia kaya sinaksak niya ito at ikinamatay.

Dinala ng taumbayan ang bangkay ni Sta. Inocencia sa cathedral kung saan ito nakalagak hanggang ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with