^

Punto Mo

Carabao Man (116)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT n’yo ako pi­nagpipilitang ipa-rehab e hindi naman ako adik,’ sabi ni JP habang nakaupo sa kama. “Baka ikaw ang adik, Boy George. Pagkatapos mo akong barilin ay pagbibintangan mo pa akong adik.’’

Hindi sumagot si Boy George. Mukhang apektado na ang pag-iisip ni JP dahil sa pagdodroga. Hindi matanggap na nalulong siya sa droga.

“Gusto kong maitama ang buhay mo JP. Sana, makita mo na ang tamang landas. Gusto kitang tulungan.’’

“Bakit mo ako binaril. Tingnan mong nangyari sa kamay ko. Sana nga tinuluyan mo na ako. Sana pinatay na ako ni Sue. Tutal naman at makakalaya rin siya.’’

“Nagtanggol siya sa sarili, JP. Kung hindi niya ginawa iyon, baka kung ano ang ginawa mo sa kanya.’’

Nagtawa si JP.

“Masyadong malalim ang imahinasyon n’yo. Kung anu-ano ang iniisip n’yo sa akin.’’

“Pakinggan mo ako JP. May pagkakataon pa para magbagumbuhay. Malaki pa ang pag-asa. Pakinggan mo ako.’’

Nakatingin sa kawalan si JP.

“Tulungan mo ang sarili mo, JP. Tanggapin mo ang mga pagkakamali at malaki ang pag-asang makakaba-ngon ka. Maraming tutulong sa’yo/ Nariyan ang itay at inay mo at kapatid. Narito ako na handang tumulong. Hindi kita pababayaan hanggang sa tuluyan kang makarekober. Kapag ganap kang nakarekober sa pagiging drug dependent, uuwi ka na sa probinsiya. Maniwala ka, JP.’’

Biglang humagulgol si JP.

Nakatingin si Boy George.  Awang-awa kay  JP.  (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with