^

Punto Mo

Mas masaya ang matatanda kaysa mga bata?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NAKAKATAWAG-PANSIN ang  resulta ng isang bagong pananaliksik na lumabas umano sa Journal of Clinical Psychiatry at iniulat kamakailan sa Live Science. Pinangunahan ito ni Dr. Dilip Jeste, director ng Stein Institute for Research on Aging ng University of California, San Diego sa United States. Lumabas umano sa pag-aaral na, bagaman mahihina na ang mga katawan at hindi na gaanong matalas ang isip, mas  masaya ang mga matatanda kumpara sa mga young adult.

Kahinaan lang ng pananaliksik ang ginawa lang ito sa isang lugar, sa San Diego Country at hindi kasama sa survey ang mga matatandang dumaranas ng dementia o mga may sakit at nakatira sa mga Home for the Aged. Umaabot sa 1,500 katao na may edad na mula 21 anyos hanggang 99 anyos. Kaya hindi ganap na masasabing ganito ang sitwasyon ng mga matatanda sa ibang mga lugar.

Gayunman, lumabas sa pananaliksik na napakababa ng score ng mga young adult na nasa edad na 20s at 30s nang sukatin ang kanilang psychological well-being.

Ipinapakita rin na dumaranas nang panghihina ang mga tao sa kanilang pisikal na kalusugan at kakayahang mag-isip habang nagkakaedad pero ang pagtanda ay iniuugnay sa mas magandang mental health, mas masayahin at kasiyahan sa buhay at mas mainam na sense of well-being.

Ayon kay Jeste, mas masaya at kontento sa buhay ang mga mas matatandang tao na taliwas sa paniniwala sa mga nasa ganitong edad na masusungit at iba pa.

Lumilitaw sa pag-aaral na ang pagtanda ay maaaring panahon ng pagkakuntento, kasiyahan at kaligayahan. Hindi umano malinaw ang dahilan pero ipinalalagay ng mga researcher na ang mga mas matatanda ay nakakaangkop at nakakaunawa sa mga stressful changes kaysa sa kanilang younger counterpart.

Mataas naman ang level ng stress sa mga young adult, ayon sa pag-aaral. Ang mga nasa edad na 20s at 30s ay may napakababang psychological well being pero maaaring ito ay dahil sa mga pressure na dinaranas nila sa yugto ng kanilang buhay tulad ng pagpili at pagtatatag ng career, paghahanap ng makakasama sa buhay, pagharap sa presyur ng mga tao sa kanyang paligid at paglutas sa isyu ng pera.

Gayunman, ayon pa sa mga researcher, ang mga older adult ay maaaring makaambag sa mental well-being ng mga young adult.  Maaaring maging modelo ng mga batang henerasyon ang mga matatanda sa pagbabahagi ng katalinuhan, kasanayan at pagdedesisyon at abilidad na mapangibabawan ang mga stress sa buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with