^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag nang tantanan ang Abu Sayyaf!

Pang-masa

MARAMI nang pinatay o pinugutan ang Abu Sayyaf kaya ang 11 miyembro nila na napatay ng mga sundalo noong Huwebes sa Patikul, Sulu ay kulang pa. Hindi pa makasasapat sa mga ginawa nilang kasalanan sa mamamayan.

Ipag-utos ni President Rodrigo Duterte sa mga sundalo na durugin ang mga bandido. Nagalit ang Presidente ng malaman na pinugutan ng Abu Sayyaf ang 18-anyos na si Patrick Almodovar, anak ng isang court stenographer sa Jolo, Sulu. Kinidnap si Almodovar noong Hulyo habang nasa harapan ng kanilang bahay. Hindi umano naibigay ang hinihinging P1-milyong ransom. Natagpuan ang ulo ng tinedyer sa Patikul dakong 7:30 ng gabi noong Miyerkules. Nakabalot ito sa isang plastic bag at iniwan sa lugar ng tatlong lalaking nakamotorsiklo.

Nananatiling nasa kamay ng Abu Sayyaf ang Nor-wegian na si Kjartan Sekkingstad sa kabila na nagba-yad na ang pamilya nito ng P50-milyon. Ang dalawang kasama ni Sekkingstad na sina John Ridsdel at Robert Hall, mga Canadians, ay pinugutan ng ulo noong Mayo samantalang pinalaya ang Pilipinang si Marites Flor.

Nararapat nang wakasan ang Abu Sayyaf. Kung si Duterte ay labis ang galit sa drug traffickers at mga criminal, ganito rin siya dapat kabagsik sa Abu Sayyaf na walang awang pumapatay sa mga inosenteng mamamayan at mga dayuhan. Kabilang sa pinugutan ng mga bandido ang Amerikanong si Guillermo Sobero makaraang hindi makapagbigay ng ransom noong 2001. Pati mga gurong kinidnap ay hindi nila pinatatawad. Pinugutan nila ang dalawang gurong lalaki noong 2001 at ikinalat ang ulo sa isang palengke sa Sulu.

Huwag nang tantanan ang Abu Sayyaf at pag-ibayuhin pa ang paglipol sa mga ito. Tapusin sila para matapos na ang problema sa Sulu at iba pang lugar sa Mindanao. Huwag titigil sa opensiba para hindi na makapag-recruit ng miyembro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with