^

Punto Mo

Carabao Man (113)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAAYOS na ang kalagayan ni JP. Nakakausap na ito. Ang itay, inay at kapatid na babae nito ang hali-haliling nag-aalaga. Si Maricel ang sumundo sa mga ito sa probinsiya. Nang araw na sunduin ni Maricel ang mga magulang at kapatid ni JP ay walang tigil sa pag-iyak ang ina. Noon lamang kasi nila nalaman ang totoong nangyari kay JP. Kaya raw pala wala na silang kontak dito.

“Salamat at ikaw ang nag-aasikaso sa kanya, Maricel. Kung wala ka sa Maynila, paano na si JP?’’

‘‘Ang may-ari po ng Kulapnet Productions ang nagdala sa ospital kay JP --- si Boy George.’’

‘‘Pero totoo bang drug addict si JP, Maricel?’’

“Opo. Nalulong po siya sa drugs nang mamatay ang kanyang kapareha sa pelikula. Nahulog po sa building si Maryanne.’’

“Siya yung si Rat-Wo-man?’’

“Opo. Kilala n’yo po siya?’’

“Dahil dito sa anak na-ming babae --- kapatid ni JP, madalas magbasa ng diyaryo. Nabasa niya na namatay nga raw si Rat-Woman.’’

“Opo. Totoo po ‘yun. At dahil po sa pagiging addict, nasira na ang pag-aaartista ni JP. Lagi pong late sa shooting at kung dumarating naman e lagi pong bangag. Hindi po alam ang mga sasabihin sa harap ng camera.’’

Napaiyak ang ina ni JP.

“Bakit nagkaganoon si JP. Mabait naman siya.’’

“Malaki po ang epekto ng droga sa utak ng tao. Ang mabait pong tupa ay maaaring gawing mabangis na tigre.’’

“Sa palagay mo maibabalik pa ang katinuan ni JP?’’

‘‘Kapag magaling na po ang operasyon niya, sa drug rehab naman siya dadalhin. Malaki po ang pag-asa na gagaling siya sa pagiging dependent sa droga. Ang mahalaga po ngayon ay maaalagaan siya. Kayo po ang kailangan niya. Kailangan pong lumuwas tayo ngayon din para siya maalagaan.’’

‘‘Oo. Sasama kami. Ka-ming tatlo ang mag-aalaga sa kanya, Maricel.’’

“Salamat po. Wala naman pong problema sa titirahan sapagkat may condo unit si JP. Kailangang makara-ting tayo sa Maynila bago gumabi.’’

Agad nag-empake ng mga damit ang mga magulang ni JP. Pagkatapos ay lumuwas na sila ng Maynila.

Nakakaiyak ang tagpo nang magkita-magkita ang mag-anak sa ospital.

Masaya si Maricel sa pagkakabuo ng pamilya ni JP. Matutuwa rin siguro si Boy George kapag nalaman ito.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with