^

Punto Mo

Aso, nahalal muling mayor sa Minnesota

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ANG Great Pyrenees na si Duke ang kaisa-isang aso na naging mayor sa Amerika at ngayon ay talo pa niya ang ibang pulitiko dahil nagawa niyang mare-elect ng ikatlong beses.

Pinamumunuan ni Duke ang maliit na bayan ng Cormorant sa Minnesota na mayroon lamang higit sa 1,000 residente.

Buo naman ang suporta ng buong bayan kay Duke na nakakuha ng landslide na boto. Halos lahat nang botante ay pinili siya upang maging mayor bukod sa isang boto na napunta sa asong si Lassie na nagkataong siyota ni Duke.

Hindi naman nagulat ang mga taga-Cormorant sa pagkakahalal muli ng aso dahil bukod sa napakataas nitong approval rating ay wala naman talaga itong seryosong kalaban.

Unang naging mayor si Duke taong 2014 nang aksidenteng manalo ito sa eleksyon. Labindalawa lang kasi ang bumoto noong taong iyon at pabiro pa nilang inilagay sa balota ang pangalan ng aso.

Wala pang balita kung ano ang mga proyektong balak ipatupad ng bagong halal na mayor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with