^

Punto Mo

MPD- Station 3 tutulug-tulog!

PULSO NG MASA - Pang-masa

Magandang araw po.

Laganap po ang nakawan sa Dimasalang Bridge kung gabi at biktima ang mga katulad kong truck driver. Nag­lipana po sa kahabaan ng Dimasalang mula Blumentritt hanggang Maria Clara ang mga kawatan na umaakyat sa mga truck.

Ang ilan sa mga kawatan na ito ay yun ding mga nanghihingi ng pera sa mga truck driver. Pagsapit ng gabi, naglulutangan na ang mga kawatan na ito at lumalapit sa mga truck na naiipit sa trapik.

Minsan nang naireklamo ang mga kawatan at nanghihingi sa mga drayber pero walang ginagawa ang hepe ng MPD-Station 3. Ilang metro lang ang layo ng PCP sa lugar pero walang pulis na sumasaklolo sa mga kawawang truck driver.

Nananawagan po ako kay PNP chief Dir. Gen. Ronald      dela Rosa na saklolohan ang mga driver sa kamay ng mga kawatan sa Dimasalang. Salamat po. ­ — VIC MANALO, Karuhatan, Valenzuela City

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with