^

Punto Mo

‘Hirit ni Binoy’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

WALANG SINASANTO, kilalang tao o may katungkulan ka man sa gobyerno basta’t may nilabag kang batas lalo pa’t may kinalaman sa droga paniguradong sibak ka.

Hindi lang mga pulis, heneral o politiko ang iniimbestigahan tungkol sa kampanya laban sa droga ng administrasyon ni Pa-ngulong Rody Duterte. Kamakailan lang isang kilalang DJ ang ina­resto dahil sa umano’y pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Kilalang taga-suporta ni Pangulong Duterte ang aktor na si Robin “Binoy” Padilla na tinaguriang ‘Bad Boy’ ng Showbiz. Hiniling niya sa Pangulo na huwag munang pangalanan ang mga ‘user’ sa showbiz.

Nagbabayad daw ang mga ito ng tamang buwis at sumusunod sa batas. Kung may pagkukulang o pagkakamali man sila sana ay ipatawag muna ang mga ito o ang mga manager nila para sa isang dayalogo.

Biktima din daw ang mga user ngunit ibang usapan kapag sila na mismo ang nagtutulak ng droga.

Ipagbigay-alam lang daw sa kanya kung sino ang pusher sa showbiz at siya mismo ang magsasabi sa Pangulo at kay PNP Chief Bato dela Rosa.

Kung ipapahiya daw ang mga artistang gumagamit magiging dalawa pa ang problema dahil paniguradong mawawalan ng trabaho ang mga ito.

May punto dito si Robin dahil may mga rehabilitasyon naman na nakalaan para sa mga gustong magbago o matanggal ang ganyang uri ng bisyo.

Kung ikukumpara mo mas malaking kasalanan kung ang isang pulis o politiko ang magiging user o pusher dahil sumumpa sila na ipapatupad nila ang batas at susunod sila dito.

Hindi naman ngayon lang nagkaroon ng usapin tungkol sa paggamit ng ilang artista ng droga. Marami na sa kanila ang sumailalim sa rehabilitasyon at nagbago. Ang ilan sa mga nalulong ay tinulungan pa ng kapwa nila artista para magbagong buhay.

Tamang paalala, tamang gabay lang din ang kinakailangan ng mga ito kung hindi man mula sa mga magulang dahil hindi naman nila ito laging nakakasama ay dapat mula sa kanilang mga manager na nagsisilbing pangalawa nilang magulang sa pinasok na trabaho.

Yung ipatawag ka lang siyempre at yung pumanik ka pa lang sa hagdanan ng Camp Crame alam na ng mga mapanghusgang tao na ito ay gumagamit na ng droga kahit hindi naman magkakaroon na ng leak at kakalat na yan.

Hindi kaya mas mabuting makipag-usap sa kanilang mga mother studios, dun sa mga pinuno para discreet ang approach.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with