^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi pa nasasawata ang korapsiyon

Pang-masa

LAGANAP pa rin ang korapsiyon sa mga ahensiya ng pamahalaan, ito ang sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte. Ayon sa presidente, sa kabila ng kanyang babala noong Hunyo 30 laban sa mga korap na opisyal at empleado sa mga tanggapan, hindi pa rin tumitigil ang mga ito. Patuloy pa rin ang korapsiyon.

Sa dalawang oras na press conference niya noong Linggo na inabot ng alas-tres ng madaling araw, may inis na sinabi ni Duterte na marami siyang natatanggap na impormasyon na laganap pa rin ang korapsiyon.

Binanggit ng Presidente ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na maraming korapsiyon. Nang bumisita umano siya sa mga probinsiya, marami siyang natatanggap na reklamo ukol sa mga nangyayaring katiwalian. Muli, inulit ng Presidente ang pangako sa sambayanan na lilinisin niya sa mga corrupt ang mga tanggapan ng gobyerno.

Sa press conference, tahasang ipinahayag ni Duterte na sibak na ang mga presidential appointees ng nakaraang administrasyon. Bakantehin na raw ng mga appointees ang kanilang puwesto sapagkat nagpapatuloy sa mga pinamumunuan nilang ahensiya ang corruption. Umaabot sa libong appointees ang nasibak sa bagong direktiba ng Presidente.

Hindi inaaasahan ang biglang pagsibak sa mga appointees sapagkat nang maupo si Duterte noong Hunyo 30, sinabi nito na mamamalagi muna ang mga appointees hangga’t wala pang ipinalalabas na order  ang Malacañang. Ngayong natuloy ang revamp, inaasahang magkakaroon ng pagbabago sa mga tanggapan.

Dapat lang alisin ang mga appointees ng nakaraang administrasyon. Kung magpapatuloy sila sa puwesto, wala ring pagbabago. Ganun pa rin ang senaryo kung saan umaaligid ang suhulan, koto-ngan, padulas at iba pang uri ng korapsiyon. Dapat matuldukan na ang korapsiyon na matagal nang namamayani sa mga ahensiya. Ito ang dahilan kaya maraming naghihirap na Pilipino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with