^

Punto Mo

Carabao Man (84)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MALAKAS ang kutob ko, Boy George na may foul play sa pagkamatay ni Maryanne,” sabing mariin ni JP na halos manginig ang boses sa pagpapaliwanag.

“Paano ka nakasiguro na dahil may grasa ang boots ni Maryanne ay mayroon nang foul play. Mahirap patuna-yan yan, JP. Kahit hindi ako nag-aral ng Law ay hindi yan batayan para masabing may foul play.’’

“Pero Boy George, gusto kong malaman ang totoo. Bakit may grasa ang boots ni Maryanne.’’

Napailing-iling si Boy George. Huminga nang malalim.

“Bakit hindi ka muna mag-check sa binagsakan ni Maryanne? Baka motor shop ang binagsakan at may mga grasa roon. O baka sa basu­rahan na may nagtapon ng motor oil o kung anumang lubricants. Bago ka magpasya, mag-imbestiga ka muna.’’

Hindi nakasagot si JP. Nag-isip. Nalilito siya.

“Look, JP, sa pabigla-bigla mong pagpapasya, maaari mong gambalain ang kaluluwa ni Maryanne. Igalang mo ang katawan niya.’’

Napahinga nang malalim si JP.

“Ang magagawa ko kay Maryanne ay bigyan siya nang magarang libing. Tinatanaw ko ang maikling panahon na pag­lilingkod niya sa Kulapnet at lahat nang makakaya ko para mabigyan siya ng magarang libing ay ipagkakaloob ko. Iyan ay sa kabila na nilait-lait niya ako. Ganunman, wala na sa akin yun.’’

Nakatingin sa kawalan si JP. Para bang mahirap tanggapin na wala na si Maryanne. Matagal-tagal din silang nagsama. Marami silang pinagsaluhan.

“Ano JP? Naunawaan mo ba ako?’’

Hindi sumagot si JP. Nali-lito siya.

“Hanapin mo ang mga kaanak ni Maryanne. Ipagkakaloob ko sa kanila ang kabayaran sa paglilingkod ni Maryanne. Hindi ako tumatalikod sa responsibilidad.’’

“Wala nang mga magulang si Maryanne. Ulila siya. Mula sa probinsiya, lumuwas siya rito. Iyan ang pagkaalam ko.’’

Napatangu-tango si Boy George.

“Huwag mo nang isi-pin nang isipin ang hindi na maaaring ibalik. Yung darating at mangyayari pa ang isipin mo. Ngayong wala na si Maryanne, maghahanap tayo ng bagong Rat-Woman.’’

Napatingin si JP kay BG.

“Marami pang katulad ni Maryanne, JP.’’

Napahinga muli si JP.

“Huwag ka nang malungkot, JP. Na­rito naman ako. Ba­kit ka malulungkot. Marami ka pang liliparin, Paniki-Man. Nawalan ka na nang dalahin…”

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with