^

Punto Mo

Ilang inosente pa ang malalagas sa kampanya ni Digong vs droga?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

IMBES na magsaya sa ka­nilang bakasyon sa bansa, nagdalamhati sa ngayon ang mag-asawang  Manuel at Leo­narda Manaois bu­nga sa hindi makatarungang pag­paslang sa kanilang apo na si Roman Clifford o Oman. Ang kasalanan ni Oman?

Napagdudahan s’yang isang drug user! Si Oman, 20, ay ga-graduate sana sa kursong seaman sa buwan na ito. At matapos ang graduation n’ya ay nakatakda s’yang i-deploy sa Dubai bilang isang service crew matapos ang isa pang training sa TESDA.

Isang dating sacristan, at mabait na anak itong si Oman subalit sa isang iglap nabura lahat ng mga magagandang pangarap n’ya, pati na sa kanyang pamilya. Hindi nag-iisa itong kaso ni Oman mula ng magsagawa ng malawakang kampanya si Pres. Digong laban sa illegal drugs. At ilan pa kaya sa ating mga kabataan ang magiging biktima ng crossfire habang dinideklara ni Digong na walang makakapaghinto sa kanyang giyera laban sa droga? Kaya ang panawagan ng mag-asawang Manaois at iba pang miembro ng kanilang pamilya kay Digong ay sana mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Oman. Punyeta! Hindi dapat nadadamay ang mga inosente dito sa kampanya ni Digong vs droga, di ba mga kosa? Tumpak!

Dumating sa bansa mula sa Oakland, California noong Hulyo 17 itong mag-asawang Manaois at itong si Oman ang nagsilbing errand boy, tulad ng pagsilbi ng pagkain, at sa minor repair ng ginagawang bahay nila. Pagkalipas ng dalawang araw, ang masayang bakasyon ng mag-asawa ay nauwi sa dalamhati bunga sa pagpaslang ng riding-in-tandem dito kay Oman. Ayon sa kuwento ni kosang Mel Velasco, itong si Oman ay katatapos lang magsilbi ng pagkain sa 71-anyos na lolang si Aleng Leoning, nang ayain ng isang tricycle driver na si Marvin de Vera na pumunta sa “kaleskesan”, isang lugar sa Dagupan City. Sa boundary ng Dagupan at Binmaley, umangkas sa kanila ang isang Zaldy Abalos na nagsabing ibaba siya sa Lucao District malapit sa Missionaries of Charities. Akmang magbabayad itong si Zaldy nang biglang sumulpot ang riding-in-tandem at walang awang pinagbabaril s’ya. Matapos matumba si Zaldy, si Oman naman ang binalingan ng mga suspect at binaril ito sa likod na tumagos sa kanyang puso. Hindi pa nakuntento ang mga suspect at binaril pa sa sentido si Oman para masigurong mawalan ito ng buhay. Buwenas lang itong si Marvin at nakatakbo s’ya papalayo kaya ang sugat na tinamo n’ya ay gasgas lang sa kanang paa. Boom Panes! Punyeta! Malaking papel ang gagampanan ni Marvin para makamit nina Oman at Zaldy ang hustisya, di ba mga kosa?

Ang siste lang, ani Velasco, ang resulta ng autopsy sa bangkay ni Oman ay nagsasabing negatibo sa droga ang kanyang katawan. Ika nga ay malinis si Oman sa droga, di ba mga kosa? Si Zaldy naman ay nasa order of battle ng pulisya sa droga. Ang tanong sa ngayon ni Velasco at mga kaanak ng biktima, bakit nadamay itong si Oman sa kampanya laban sa droga? Kaya ang tanong sa ngayon ni Aleng Leoning ke Digong, bakit pinapayagan n’ya na ang mga inosenteng mamamayan ay madamay sa pagpuksa n’ya ng droga sa bansa? Habang pataas ng pataas ang bilang ng mga namamatay dito sa kampanya ni Digong laban sa droga, sana maiwasan na ang “Wow Mali” operation ng PNP natin para mabawasan ang bilang ng nagdadalamhating pamilya, di ba mga kosa? Arok naman natin mga kosa na talagang talamak na ang problema sa droga sa bansa subalit itong summary execution ng mga suspetsadong drug pushers at users ang tanging solution nito? Wala na bang iba? Anong sey n’yo mga kosa? Punyeta! Pagandahan nga ng script ang mga opisyales ng ating kapulisan sa talamak nilang pagpatay sa mga drug pushers at user, di ba mga kosa? Boom Panes!

Nangako naman si Sr. Supt. Ronald Lee, ang director ng Panga­sinan police na paiimbestigahan n’ya ang kaso ni Oman at sinisiguro n’yang managot ang dapat managot dito. Sana maki-pagtulungan ang pamilya ni Oman sa pulisya. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with