^

Punto Mo

Senado, h‘wag sunud-sunuran

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DAPAT manatiling independiyente ang Senado na hindi maaring diktahan ng Malacañang.

Kilala ang Senado na hindi puwedeng magsilbing “tuta” ng Malacañang na lahat ng lang na kagustuhan ay susundin nito.

Batay kasi sa pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano na magsisilbing independent, hindi muna siya sasapi sa mayorya o minorya dahil nais niyang obserbahan ang galaw ng mga senador.

Gusto ni Cayetano kasi na maging supportive at tila sunud-sunuran ang Senado sa Malacañang bago siya sumapi sa mayorya.

Wala namang duda na magiging supportive ang mayorya ng Senado sa pangunguna ni Senate president Koko Pimentel dahil ito ay kapartido ni President Duterte.

Obligasyon ng mga senador na suportahan ang anumang legislative agenda ng Duterte administration kung ito ay pabor sa interes ng mayoryang Pilipino.

Hindi na kailangan pang diktahan ang mga senador sa kanilang gagawin at makakabuting hayaan na silang dumiskarte dahil ang publiko ay nagbabantay sa kilos ng mga mambabatas.

Mukhang hindi lang naitago ni Cayetano ang kanyang sama ng loob dahil sa pagkakabigo na makuha ang pinakamataas na posisyon sa Senado at ito ay ang pagiging Senate President.

Masyado kasing nagbababad sa Davao at halos araw-araw ay nakadikit ito kay Duterte na ang akala niya ay didiktahan ng Presidente ang mga senador upang ang iluklok na Senate President.

Samantalang si Pimentel ay nagbabad naman dito sa Maynila at kinumbinsi ang mga kasamahang senador upang makuha ang suporta at ngayon ay nangyari na dahil naluklok bilang Senate President.

Kung hindi sasama si Cayetano sa mayorya sa Senado ay parang siya ang maituturing na hindi supportive sa Duterte administration.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with