^

Punto Mo

Sumusukong drug personalities, parami nang parami

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa tala ng PNP, mahigit na sa isang daang libo ang mga sumusukong drug personality.

Ito yung mga umamin na sila ay gumamit at ang ilan ay kumpirmadong nag-’tulak’ ng ilegal na droga.

Habang sa tala pa rin ng PNP nasa 300 na ang napapatay sa mga lehitimong operasyon ng pulisya matapos nga na kumasa at manlaban ang mga ito.

Sa bilang ng mga sumusukong dawit sa droga, na ngayon lamang talaga nangyari, patuloy pa ito sa pagtaas dahil araw-araw din libu-libo ang nagsisilutang sa mga awtoridad na umaamin na dawit sila dito.

Sa kanilang pagsuko, pinapapirma na nangangakong tatalikuran na nila ang paggamit o pagtutulak ng illegal drugs. Ang ilan sa mga ito ay tuluyan nang nagpa-rehab.

Sa kasalukuyan ang nagiging problema naman ngayon ng pamahalaan sa dami ng mga nagsisisuko,  eh kung saan dadalhin o kung paano ito maipapagamot o maiparerehab para tuluyan na ngang talikdan ang kanilang naging bisyo.

Kaya nga iniisip ng administrasyon ni Pangulong Digong na magpatayo ng mas marami at malalaking rehabilitation centers, para dito dalhin ang libu-libong nagsisisukong dawit sa illegal drugs.

Kasi hindi naman pwede na suko na lang nang suko dapat may gawin din ang pamahalaan sa mga ito  para tuluyang maiwan ang kanilang masamang gawain at makabangon pa laban sa bisyo.

Baka kasi kung hindi matututukan eh bumalik ang mga ito sa dating gawi.

Ngayon nga nais ni Pangulong Rody na ipaggamit pansamantala para gawing rehabilitation centers ang ilang   mga kampo ng militar.

Sa huli dapat rin marahil masilip din ng pamahalaan ay kung paano mabibigyan ang mga ito ng   hanapbuhay    lalu na nga yung mga nakuhang magbago.

Na ito naman ang layon kaya ipinasailalim sila at ginastusan sa rehabilitasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with