^

Punto Mo

EDITORYAL - Nararapat maramdaman ang mga pagbabago

Pang-masa

CHANGE is coming sa administrasyon ni Presi-dent Rodrigo Duterte. Paparating na ang pagbabago. Bago pa siya nanumpa noong Hunyo 30, matunog na ang pananalitang ito. Madali itong napatatak sa isipan nang maraming Pilipino.

Kahapon, muling inulit ni Duterte sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ang mga pangako at sinabi niyang ipatutupad ang mga ito.

Kabilang sa mga sinabi niya ay ang pagbibigay ng rice subsidy sa mga mahihirap na pamilya, pagbabawas sa tax ng mga karaniwang manggagawa, libreng wi-fi at ang hindi na pagpila sa mga kumukuha ng lisensiya, permit at iba pang dokumento sa mga publikong tanggapan.

Maraming natuwa sa mga sinabing ito ng presidente. Halos tumutok sila sa isang oras at kalaha-ting talumpati. Una nang sinabi ng Malacañang na 30 minuto lamang ang talumpati pero nag-extend ang Presidente. Mas marami kasi siyang isiningit na mga nakaaaliw na pananalita na nagbigay naman ng kasiyahan sa mga nakikinig. Mas mahaba pa ang adlib niya kaysa sa orihinal na talumpati. Masigabo ang palakpakan makaraang magpatawa ang presidente.

Ang hinihintay ngayon ay ang katuparan ng mga pinangako sa SONA. Sa kasalukuyan, tanging ang pagsugpo pa lamang sa mga drug lord ang nakikitaan ng tagumpay. Marami nang napapatay na pushers sapagkat lumalaban ang mga ito. Marami na rin ang sumusuko. Sa loob umano ng anim na buwan ay lutas na ang problema sa droga.

Sana, huwag nang patagalin ang iba pang naipa-ngako gaya nang hindi na pagpila sa mga kumukuha ng lisensiya at permit. Ipatupad na ito. Kailangang maramdaman na ang mga pagbabago. Nararapat malasap na ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with