^

Punto Mo

EDITORYAL - Babala sa iresponsableng miners

Pang-masa

NAPAKAGANDA ng sinabi ni incoming DENR secretary Gina Lopez, makaraang hirangin ni president-elect Rodrigo Duterte, “I don’t like mining, the foreigners and the rich are the only ones benefitting from it but the farmers and the fishermen suffer.” 

Swak na swak ang kanyang sinabi at hindi na ito lingid sa mamamayan sapagkat ngayon ay marami nang tumututol sa pagmimina dahil sa kagagawan ng mga iresponsableng minero. Nasisira ang kapaligiran dahil sa ginagawang pagmimina. Hinuhukay at binubutas ang mga bundok nang walang pakundangan. Wala silang pakialam kung mawasak man ang mga bundok. Ang mahalaga sa kanila ay mahukay ang inasaam nilang mina na magpapayaman sa kanila.

Sa isang picture na kuha noong 2012 sa mga kabundukan sa Compostela Valley at ilang bahagi ng Davao Oriental, nakapanghihilakbot ang makikita sapagkat butas-butas na ang mga bundok sa mga nasabing lugar. Masahol pa sa sungkaan ang tuktok ng mga bundok.

Nang manalasa ang bagyong Pablo noong 2012, bumigay ang bundok na maraming hukay. Napuno ng tubig ang mga butas at iyon ang naging dahilan para magkaroon ng landslides. Tinangay ng putik ang mga bahay kasama ang mga troso. Nasa 314 katao ang namatay.

Ganito rin ang nangyari sa St. Bernard, Southern Leyte noong Peb. 17, 2006, kung saan naguho ang bundok at tinakpan ang isang barangay. Isang school na may mga bata at guro ang nalibing nang buhay. Ang pagmimina rin ang itinuturong dahilan nang pagkawasak ng bundok. Bumigay ang lupa dahil sa sobrang pagkabutas na ginawa ng mining companies. Lumambot ang lupa at bumulwak ang putik

Sino ang makalilimot sa ginawa ng Marcopper Mi-ning Company sa Marinduque noong Marso 24, 1996. Nasira ang kapaligiran at kalikasan doon. Ang dating buhay na buhay na Boac River ay nalason at namatay dahil sa tailings. Ilan sa mga tao ang nagkasakit sa balat.

Inaasahang ang pagkakahirang kay Lopez sa DENR ang pipigil sa mga matatakaw na miners upang hindi masira ang kapaligiran. Walang puwang sa mundo ang mga gahaman na walang awa kung sirain ang kapaligiran. Nararapat na suportahan ang bagong DENR secretary sa kanyang adbokasiya na mapangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with