^

Punto Mo

Carabao Man (25)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAALALA ni Maricel noon na aayaw-ayaw pa si Johnpaul na mag-artista. Hindi raw kayang umarte. Wala raw siyang karapatan na mag-artista. Pero dahil pinalakas niya ang loob nito ay nahikayat din at sumama sa dalawang talent scout patungong Maynila.

Naimadyin ni Maricel kung ano na ang itsura ni Johnpaul ngayong artista na. Lalo sigurong gumuwapo. Hindi na rin amoy kalabaw. Ang bangu-bango marahil ni Johnpaul. Siguro maraming babae ang nagkakagusto. Nabasa niya sa isang movie article na ipinapareha ito sa isang baguhan ding artista. Magta-tambal daw sa isang pelikula ang dalawa. Mayroon daw kissing scene.

Napahinga nang malalim si Maricel. Wala na siyang pag-asang mapansin ni Johnpaul. Mas maraming magaganda sa Maynila.

Inaamin niya, nasa high school pa lamang sila ay malaki na ang pagka-crush niya kay Johnpaul.

Hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi ito nakikita. Pero parang hindi naman siya pansin ni Johnpaul. Siya lamang ang nagmamahal.

Magkaganun pa man, patuloy pa rin niyang mamahalin si Johnpaul. Hindi siya magsasawang mag-ukol ng pagmamahal dito.

Naidasal niya na sana ay umuwi dito sa kanilang barangay si Johnpaul. Kahit saglit lang para naman makita at magkausap sila.

PATULOY ang pagsikat ni JP. Maraming offer sa kanya. Pero dahil nakatali siya sa Dayami Films ay hindi siya makatango sa iba pang malalaking project. Kung lilipat siya sa ibang movie outfit, baka naman magtampo si Mr. Kim. Bahala na. Kailangang maging matalino siya.

Hindi pa rin makapaniwala si JP sa mabilis na pag-angat ng kanyang buhay.

Sa pag-iisa sa condo na bigay ni Mr. Kim, ay napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanya. Pinagkakaguluhan siya nang maraming fans.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with