^

Punto Mo

Ang Negosyante

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG negosyo ng lalaking iyon ay mag-repair ng refrigerator at aircon. Kasama na dito ang paglilinis ng aircon. Dalawang beses na kaming nagpapalinis sa kanila ng aircon. Malapit ang kanilang shop sa aming tirahan kaya convenient na sila ang tawagan. Isang Sabado ng umaga ay personal kaming nagpunta sa kanilang shop para magpa-schedule ng pagpapalinis. Ang schedule na ni-request namin ay kinabukasan ng umaga, Linggo. Pumayag naman. Isinulat pa ng anak ko kung anong araw maglilinis, address namin at telephone number.

Pero noong hapon din iyon ng Sabado, biglang dumating ang mga taong maglilinis bitbit ang mga machine na gagamitin. Kahit nagulat ay buong sweetness kong sinabi sa mga tao:

“Bukas pa…Linggo ang ipinaiskedyul ko”

“Wala kasi kaming ginagawa ngayon. Baka naman ho puwedeng ngayon na.”

“Nasa trabaho ang aking mister. Gusto niya ay present siya kapag maglilinis kayo.” Itinuro ko mula sa aming kinatatayuan ang puwesto ng aircon.

“Mataas ang puwesto ng aircon, mahirap hugutin sa pinaglalagyan. Delikadong malaglag ang aircon. Mister ko ang magtuturo para maayos ninyong mahugot ito sa pinaglalagyan. Bukas na lang, ha? Sana sinabi n’yo kanina na puwede kayo ngayong hapon para nag-absent na lang sa trabaho ang mister ko.”

Para akong nagsalita sa mga tuod. Tinalikuran ako na walang sinabi. Basta na lang umalis. Kinabukasan, walang dumating na maglilinis. Inindyan kami. Nainis siguro at hindi nasunod ang gusto nila. Pinuntahan ng aking Mister ang shop pero sarado.

May ilan akong tinawagan na nag-aalok sa online ng aircon cleaning service pero sa second week pa ng June or July ang ibinigay na iskedyul. Ganoon pala kapag summer, maraming nagpapalinis ng aircon. Wala akong choice kundi bumalik muli sa shop na malapit sa amin.

Pagsapit ng Lunes, muling bumalik ang aking mister sa shop. Ang may-ari ang kanyang nadatnan. Maayos na tinanong ng aking mister kung bakit di sila dumating noong Linggo. Ang sagot lang ay hindi raw dumating ang mga tauhan niya. Hindi na kumibo ang aking mister kahit hindi kapani-paniwala ang dahilan. Tumanggap sila ng trabaho pero okey lang na hindi pumasok ang tauhan niya?  Ang tanong ng aking mister ay puwede ba ulit magpa-iskedyul sa mismong araw na iyon. Pumayag naman. Nagkanda-absent ang mister ko sa trabaho sa paghihintay, pero walang dumating. Hindi na kami nag-follow up. Maliwanag na pinaglalaruan lang kami ng may-ari.

Sobra sigurong naasar noong Sabado na hindi kami pumayag na magpalinis kaya ginantihan kami. Hindi kaya natatakot ang may-ari sa kanyang ginagawang pang-aasar? Mas mabagsik ang balik ng karma kung ang ginagawan mo ng masama ay walang kasalanang ginawa sa iyo. May negosyo pa naman siya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with