^

Punto Mo

Shame campaign ni Mayor ‘Tuyo

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI bilib ang BITAG Live sa estilong “shame campaign” ni Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili.

Sa matinding desperasyong mapansin ng publiko, ipinarada ang mga nahuling umano’y tulak ng ilegal na droga sa komunidad.

Pero sa halip na sumang-ayon sa kaniya ang mga tao, ma­rami tuloy ang ‘bwisit at nambabatikos sa kaniyang pa­ng­­hihiya.

Walang ibang makita kundi puro yabang. Mabuti sana kung nagsampol gamit ang lengguwahe ng mga kriminal para matakot at matauhan.

Hindi matiyak, gusto yata nitong maging “mini me” ni Presumptive President Rody Duterte.

Mayor, kahit na ipahiya mo ang mga kawatan o drug pusher na yan, ‘di natatakot at ‘di tatablan ng hiya ang mga walang hiya na ‘yan.

Eto rin yung parehong mayor noong March 2014 na in-interview ko sa programa ko sa radyo at telebisyon, si Mayor ‘Tuyo.’

Pilit niyang pinaggigiitan, tama ang ginawa niyang pagpaparada sa isang umano’y propesyunal at pusakal na magnakaw na ang ninakaw lang naman sa public market ay tuyo na panlaman sa kumakalam na sikmura.

Manggagaya nalang din ng estilo, hindi pa nilubos-lubos ang pagkopya ng  ipinatutupad ni Duterte na pagdidisiplina sa Davao.

Read my lips, Mayor Halili, sa halip na paulit-ulit mong ginagawa ‘yan, alamin mo muna ang totoong ugat at dahilan ng problema sa iyong bakuran.

‘Wag puro yabang at palabra na sinasadya mo pang ipakita sa media para lang mapansin ka.

Magsampol ka! Wag mo nang iparada. Nang sa ganun matauhan at matatakot ang mga yan. Hindi ‘yung hiya, hiya. ‘Di ubra ‘yan!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang episode mag-subscribe sa BITAG official YouTube channel.

vuukle comment

NGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with