^

Punto Mo

Mga imbentor sa Facebook

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

IKINAGULAT ko rin kahit hindi na dapat ikagulat iyong ulat na inireklamo ng aktor na si Robin Padilla sa National Bureau of Investigation ang taong nag-post ng photo at message sa Facebook na umano’y ipinapakita ni Robin ang kanyang balota habang bumoboto siya sa halalan noong nakaraang Lunes. Nakikita doon kung sino ang kanyang ibinotong presidente at bise presidente (bawal nga kasi ang mag-selfie sa loob ng presinto habang bumoboto). Wala naman ang larawan ng aktor maliban sa daliri na hindi malaman kung siya iyon o ibang tao pero marami ang napaniwala at sumakay sa isyu at nagbitaw ng masasamang komento laban kay Robin. Pumalag ang aktor na sumugod sa NBI at ipinahiwatig na imposibleng gawin niya iyon dahil hindi siya rehistradong botante. Tinanggal umano ang karapatan niyang bumoto dahil nasentensiyahan siya sa kasong pagdadala ng iligal na baril maraming taon na ang nakakaraan. Pero may duda ako sa parteng ito dahil sa kaso ni dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada na nasentensiyahan sa kasong plunder pero nakaboto muli at kumandidato pa.

Gayunman, marami ring personalidad ang nabiktima ng mga meme at huwad na mga posting sa social media  sa nagdaang kampanya  para sa katatapos na halalan. Isa riyan ang aktres na si Alma Moreno na ipinapakita na sinasabihan niya ang isang natatalong kandidato na “Mag-‘conceive’ ka na kase”. Kinalaunan lang pinabulaanan ito ng aktres na nagdiing hindi siya mahilig sa social media. Inireklamo ito ng kanyang anak sa Twitter kaya nasuspinde ang account na nagpapanggap na Alma Moreno.

Minsan nga, noong kampanya, kumalat sa Facebook ang litrato ng isang kandidatong presidente na habang nagdarasal sa isang simbahan ay pinaiikutan siya nang malapitan ng mga photographer. Marami namang Facebook user ang kumagat at napaniwala at inakusahan ang kandidato ng pagiging plastik at  walang sinseridad.  Pero, kung kikilatising mabuti ang litrato, tila niretoke ito sa tulong ng tinawag na photoshop. Una, mukha namang high tech ang mga kamera ng mga photographer kaya hindi na nila kailangang lumapit sa isang tao para siya malitratuhang mabuti. Pangalawa, kadalasan sa mga professional photographer ay hindi basta lumalapit sa isang taong nagdarasal para ito litratuhan. Didistansiya muna sila bago niya pitikin ang kanyang kamera. Meron din naman silang paggalang sa isang tao na taimtim na nagdarasal.

Maganda namang instrumento ang social media tulad sa Facebook para sa pagbabahagi ng mga kaukulang impormasyon o balita. Kaso, sumisira rito ang mga nagpapakalat dito ng mga pekeng mensahe at litrato. Kahit nga website ay napepeke at nailalagay sa Facebook na nagmumukha tuloy na totoo. Sa madaling sabi, hindi dapat maniwala agad sa nakikita at nababasa sa social media. Suriin muna ang pinanggalingan nito dahil naglipana ang mga ‘imbentor’ sa social media.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with