^

Punto Mo

Alak na anti-aging nadiskubre na!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MASAMA ang alcohol o alak sa katawan. Kapag napasobra ang pag-inom ng alak, napipinsala ang mahahalagang bahagi ng katawan o internal organ lalo na ang atay.

Bukod dito, nakakapagpatanda rin ang alak. Ang balat ng isang mahilig sa alak ay nangungulubot kaya pinatatanda ang itsura. Kaya kung gusto mong huwag mangulubot o tumanda ang itsura, huwag kang iinom ng sobrang alak.

Pero may bagong tuklas na alak na hindi nakapagpapatanda ang itsura at bagkus, magmumukhang bata ang iinom nito. Tinawag itong “Anti-aGin’’. Ito ay may 40 percent spirit na kinabibilangan ng mga skin-boosting ingredients gaya ng collagen at anti-oxidants na lumalaban sa pagkulubot ng balat. Kaya hindi na mangangamba ang sinumang iinom ng alak na ito sapagkat tiyak na magiging bata ang itsura. Kahit gaano karaming “Anti-aGin’’ ang laklakin ay walang problema sapagkat magi­ging bata ang itsura.

Ang “Anti-aGin’’ ay nadiskubre ng UK-based Warner Leisure Hotels sa pakikipagtulungan sa sikat na food design company Bompas & Parr. Ayon sa kompanya, ang kanilang nadiskubreng gin o alak ay distilled sa dalisay at purong collagen. Ang collagen ay ang glue na nagho-holds sa ating balat. Kapag nagkakaedad na ang tao, umuunti o nababawasan ang collagen level sa balat kaya nagkakaroon ng pagkulubot o wrinkles.

Ang “Anti-aGin’’ ay mayaman din sa ‘skin-healing’ ingredients gaya ng green tea para sa detox, witch hazel oil na pumapatay ng bacteria, gotu kola na tumutulong mabawasan ang cellulite dahil sa sun damage, chamomile para sa healing at relaxation, at burdock para ma-repair ang cracked skin. Ang iba pang ingredients ay angelica root, coriander, liquorice, at cardamom.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with