^

Punto Mo

Sen. Jinggoy, nangampanya sa likod ng rehas sa Camp Crame!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KAHIT nasa likod ng karsel itong si Sen. Jinggoy Estrada, patuloy pa din ang pangangampanya n’ya para sa kanyang ama na si dating presidente at ngayon Manila Mayor Erap Estrada. Sinabi ng mga kosa ko na ipinatawag ni Jinggoy ang aabot sa 986 chairman sa Maynila sa kanyang kulungan noong nakaraang linggo at ibinulong na suportahan ang re-election bid ni Erap. Mahigit 500 sa mga chairman ang dumating in batches of 30 persons per district sa kulungan ni Jinggoy sa custodial center sa Camp Crame, anang mga kosa ko. Siyempre, pagkatapos nang halos dalawang oras na bidahan kay Jinggoy ay pasimpleng inabutan ang mga chairman ng envelope na naglalaman ng P3,000, anila. Ang tagapamudmod ng pitsa ay ang close buddy ni Jinggoy na si chairman Dandan Tan, anang mga kosa ko. Ang siste, hindi lang ang amang si Erap ang ibinulong ni Jinggoy kundi maging ang karantso niyang si Vice Pres. Jejomar “Jojo” Binay na tumatakbong presidente sa May elections. Sa totoo lang, walang binanggit ang mga kosa ko kung sino ang vice presidential bet ni Jinggoy subalit parang kuntento s’ya sa sinusuportahan ni Erap na si Bongbong Marcos, di ba mga kosa? Punyeta! Nasa kulungan na nga itong si Jinggoy subalit nakuha pa n’yang makapag-kampanya? Ano ba ‘yan PNP chief Dir. Gen. Ric Marquez Sir?

Dapat paimbestigahan ni Gen. Marquez kung bakit nakapasok sa custodial center ng Camp Crame ang ganitong kadami na bisita ni Jinggoy. Hindi lang ‘yan? Sa pagkaalam kasi ng mga kosa ko, me schedule ang dalaw sa mga preso sa custodial center at kahit si Jinggoy ay hindi exempted sa patakaran na ito. At kung mahigit 500 chairman ang nakadalaw, at tig-3,000 ang ipinamudmod sa kanila halos milyones na din ang ipinalabas ni Jinggoy, di ba mga kosa? Paano naka-pasok ang pera sa selda ni Jinggoy kung ang lahat ng bisita ay kinakapkapan ng jail guards n’ya? Totoo ba na ang mga jail guards ni Jinggoy ay nabili n’ya ng P5,000 kada araw kaya’t maluwag sila sa kanya? Punyeta! Napakadaming katanungan na dapat alam ni Gen. Marquez ang kasagutan, di ba mga kosa? Hehehe! T’yak madami ang matitigbak na pulis sa custodial center kapag napatunayan ni Gen. Marquez na totoo ang sumbong ng mga kosa ko sa Camp Crame, di ba mga kosa?

Matatandaan na itong sina Jinggoy, Sen. Bong Revilla at Sen. Juan Ponce Enrile ay kinasuhan ng plunder sa Sandiganbayan bunga sa milyones sa pork barrel scam. Bunga sa legal maneuvers n’ya, nakuhang makapag-piyansa itong si Enrile kaya’t balik Senado na s’ya. Subalit naiwan sa custodial center itong sina Jinggoy at Revilla at mukhang malabo nilang masundan si Manong Johnny na nasa labas na ng selda at ini-enjoy n’ya ang paglaya n’ya. Sa totoo lang Gen. Marquez Sir, parang di na din sa loob ng kulungan itong si Jinggoy dahil nagagawa din naman n’ya ang kagustuhan n’ya, kabilang na dito ang pangangampanya. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi naman ng kosa kong chairman sa Maynila, na walang katotohanan ang kumakalat na balita na nagbigay si Erap ng P100,000 sa mga kapwa chairman n’ya para matiyak ang pagkapanalo nito sa darating na halalan. Ang balita kasi, magdadagdag pa ng another P100,000 sa mga chairman itong si Erap kapag nanalo s’ya sa lugar ng chairman nga. Hehehe! Ang daming pitsa ni Erap no mga kosa? Idinugtong pa ng kosa kong chairman na itong si Vice Mayoral bet Ali Atienza ay nangangako ng tig-P10,000 sa mga chairman kapag nanalo s’ya. Maliban pa ito sa dalawang ghost employee ng mga chairman sa City Hail, ang kosa kong chairman. Punyeta! Natutulig na ang tenga ng mga chairman at botante dito sa mga pangako ng mga pulitiko. Napangakuan na nga kayo gusto n’yo pa bang sundin nila ito? Hehehe! Punyeta talaga! Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with