^

Punto Mo

Final stretch na ng kampanya!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isang linggo na lamang bago ang halalan, kung baga ay nasa mga huling yugto na ang isinasagawang kampanya ng mga kandidato.

Bakbakan na ito nang husto, na ito ang dapat na matutukan ng mga kinauukulan.

Sa ganitong mga panahon, nandito na ang matitinding girian  ng magkakabilang panig.

Hindi lang ng mga magkakatunggaling kandidato kundi maging ang kanilang mga supporters.

Dito na madalas  na maitala ang karahasan at mga kaguluhan na may kaugnay sa halalan.

Noon lamang nakalipas na Sabado, apat katao ang nasugatan habang masuwerteng nakaligtas ang isang kongresista  makaraang sumabog ang bomba habang dumaraan ang convoy nito   sa Brgy. Sta. Barbara, Agoo, La Union.  

Kasalukuyang dumaraan sa lugar ang convoy ni La Union Congressman Eufranio Eriguel  nang sumambulat ang bomba na nakatanim sa kalsada.

Sa nasabing insidente ay sugatang isinugod sa pagamutan ang apat katao na nakasakay sa   backup vehicle  mula sa kampo ng solon.

Gayunman, sinisilip pa rin kung may kaugnayan sa politika ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso kung saan kabilang sa sinisilip na anggulo ay banggaan sa pulitika.

Ilan tumatakbong pulitiko na rin ang naitalang nasawi o nasugatan sa kainitan  ng kampanya.

Ilan lang yan sa mga karahasang nagaganap tuwing sasapit ang halalan at dahil nga sa isang linggo na lamang at eleksyon na, dito na mas dapat tumutok ang mga awtoridad lalu na nga sa mga lugar na idineklarang area of concern ng Comelec.

Hindi pa dyan matatapos ang init ng pulitika hanggang sa mismong araw ng eleksyon at hanggang sa bilangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with