^

Punto Mo

Sir Juan (198)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MATUTUWA si Bossing sa ginawa natin. Marami na naman tayong nadikwat, ha-ha-ha!” Sabi ni Dalton nang makarating sila sa hideout at pinagmamasdan ang mga balumbon ng pera sa black bag.

“Paano makukuha ni Bossing ang parte niya?’’

“Basta pipik-apin na lang dito yan. Ilagay lang daw sa black bag.’’

“Sino nga ba yung bossing na ‘yun, Dalton. Hindi ko pa siya nakikita.’’

“Huwag mo nang hangarin pang makita pa si Bossing at hindi mo ‘yun makikita.’’

“Sino ba yun Dalton?’’

“Gusto mong malaman?’’

“Sino nga si Bossing?’’

“Police general yun.’’

Napangiti si Nectar.

“Kaya naman pala ang bilis nating nakatakas.’’

“Sabi ko nga sa’yo, hindi tayo makakatakas kung walang malakas at corrupt. Kaya pera-pera lang ang labanan ngayon. Kapag marami kang pera, madali ang lahat.Walang problema. Kaya gagawa pa tayo nang maraming pera para masiyahan si Bossing. Kailangan marami tayong iintrega sa kanya.’’

“Gaano ka naman kasigurado na lagi tayong malakas kay Bossing?’’

“Huwag na muna nating problemahin ‘yan. Basta maghanda ka at sa mga susunod na araw, bibira uli tayo ng banko. Malakihan uli ito. Kaparehong style ang gagawin natin para hindi tayo abutan ---magsasabog uli tayo ng pekeng P500. Lusot uli tayo sigurado.’’

“Wise ka talaga, Dalton.’’

“Iba ako Sweetie Pie. Kapag nagtagumpay tayo sa lakad, isusunod na natin sina Sir Juan, Mahinhin at Gringo. Totoo na ito. Tatapusin na natin sila! Ganting walang puknat.

PINASOK nina Dalton at Nectar ang isang banko makaraan ang isang linggo. Madali nilang naisagawa. Walang kapaltus-paltos. Pero nakapatay si Dalton ng isang guwardiya at empleado. Binaril niya nang tangkang lumaban ang mga ito.

“Tayo na Nectar, Dali!”

Tangay ang isang bag ng pera, mabilis silang tumakas sakay ng motorsiklo.

“Ilalabas ko na ba ang mga pekeng P500, Dalton?’’ tanong ni Nectar.

“Huwag! Wala namang humahabol sa ating police car.’’

“Bakit nga wala?”

“Ayaw mo nun, walang pang-abala.’’

“Parang kinakabahan ako.’’

“Nerbiyosa!’’

Lingid kina Dalton at Nectar, naghihintay na pala sa daraanan nila ang mga pulis.

Naghahanda na ang mga ito.

“Nandiyan na ang mag-asawang holdaper! Ready men! Armado sila!’’ (Itutuloy)

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with