^

Punto Mo

Tanim-Bala vs. Tago-Pintura

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Kuwento ni Alissa ng Sydney Australia)

LAGI akong nanonood ng balita sa TFC (The Filipino Channel) kaya alam ko ang tungkol sa “tanim-bala” na nangyayari sa airport natin diyan sa Pilipinas. Bigla ko tuloy naalaala ang isang pangyayari nang minsang nagbiyahe ako mula Sydney patungong Brisbane sakay ng eroplano.

Ang napangasawa ko ay Italian na Australian citizen. Sa Sydney kami naninirahan dahil naroon ang trabaho niya. Ang mga magulang ko at kapatid ay sa Brisbane naman naninirahan. Tuwing sumasapit ang wedding anniversary ng aking mga magulang ay nagbabakasyon ako sa Brisbane. Painting ang aking hobby, kaya nang minsang ako ay nagbakasyon, naisip kong dalhin ang aking mga painting supplies. Maganda ang ambiance ng bagong bahay na nilipatan ng aking mga magulang. Perfect ang view, ambiance at weather para mairaos ko ang aking pagpipinta.

Pero nang ako ay nasa airport na, heto ngayon ang problema: nakalimutan ko ang rules on liquids in carry-on luggage. Pagdating sa security ng airport, pinaiwan sa akin ang lahat ng  painting supplies. Lumipas ang isang linggong bakasyon, bumalik muli ako sa Sydney. Ang attendant na nagsamsam ng aking painting supplies ay naroon sa baggage area, hawak  ang aking painting supplies na buong ingat na nakapaloob sa transparent plastic.

Tiningnan pala ng attendant ang aking return date and time para personal niyang ibalik ang painting supplies. Hindi ako makapaniwala. Maluha-luha ako sa magandang kalooban ng attendant. Alam daw niya na malaking halaga ang mga iyon dahil painter din ang kanyang anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with