^

Punto Mo

‘Kanino nakapaling?’

- Tony Calvento - Pang-masa

SA huling debate may pagkakataon sana na batuhin ng mabibigat na isyu ang kalaban nila sa pulitika para mas makilala ng taong bayan.

May parte ng debate na pinagharap-harap ang mga kandidato. May pagkakataon na si Senator Grace Poe na tanungin si Mayor Rodrigo Duterte tungkol sa mga sinabi nito sa mga kababaihan.

Bakit parang naging maingat siya sa kanyang sinasabi at ang tangi niya lang tinanong ay kung ano ang kahihinatnan ng babae sa administrasyon ni Duterte.

Dapat niratrat niya ito ng tanong para na din maliwanagan ang mga bumabatikos sa kanyang mga naging pahayag. Responsibilidad mo ito dahil ikaw ang nagkaroon ng pagkakataon Grace.

Natakot ka ba na mauungkat na ang asawa mo ay hindi pa nirerenunsiyo ang pagiging American Citizen. May balita pa na ginawa niya ito sa barangay captain na dapat sa Solicitor General.

Yung naging debate sa Channel 2 parang naging maligamgam na tubig, walang init. Nag-ingat lang ba si Grace Poe at inilahad na lang ang kanyang plataporma? Mabuti pa itong si Mar Roxas na hinamon si Mayor Duterte kung handa ba siyang mag-withdraw tungkol sa mga natulungan ng Philhealth sa Davao.

Matapang na sinabi ni Roxas na handa siyang makapagbigay ng mga listahan para mapatunayan na may natulungan ang Philhealth sa Davao at hindi tulad ng sinasabi ni Mayor Duterte na hindi nakarating sa kanilang lugar ang tulong.

May impormasyon na nakarating sa ‘min na ieendorso ng isang malakas na ‘religious group’ na kilala na kapag nagsalita ay sumusunod ang kanilang miyembro na walang iba kundi si Vice President Jejomar Binay at Ferdinand Marcos Jr. Gaano kaya katotoo ito?

Si Mayor Duterte labis na naapektuhan dito sa bagong inilabas ni Senator Antonio Trillanes tungkol sa kanyang bank account sa Bank of the Philippine Islands (BPI) at ang marami ay undecided pa pipili ng iba.

Kanino kaya ito mapupunta? Hindi kaya sa pumapangalawa sa kanya na walang iba kundi si Grace Poe?

Nanghihinayang ako kay Sen. Miriam Defensor-Santiago dahil parang nawala na yung dati niyang lakas, sigla at bilig ng isip. Hindi gaya nung nasa Bureau of Immigration and Deportation (BID) siya kung saan walang takot niyang tinutugis ang mga illegal at undesirable alien na nung 1992 at kung tumagal pa ang eleksyon muntik na niyang matalo si dating Presidente Fidel V. Ramos.

Ang lahat ng ito ay espekulasyon lamang, ang totoo ay magkakaalaman matapos ang botohan sa ika-siyam ng Mayo. Kung gusto niyong manalo ang inyong manok o kandidato hindi pwedeng hanggang ngasngas lang kayo. Lumabas kayo para ibotot sila. Iboto ninyo kung sino talaga ang nasa puso’t isipan niyo.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with